17

40.4K 1K 60
                                    

"WELCOME to the Summer Capital of the Philippines, Baguio City!" France beamed beside her. Autumn smiled while looking at the view of the city through the window.

Magkakatabi kasi sila sa aircon bus, kasama si Dani, na nagsisilbi nilang shuttle papunta sa hotel na pagmamay-ari ni Pollux kung saan gaganapin ang three-day conference nilang mga estudyante. Ilang sandali pa, nakarating na din sila sa hotel na tutuluyan nila.


Polydeukes. That's the name of the hotel.

Sumalubong sa kanila ang malamig na klima ng paligid, maganda rin ang lugar na kinatatayuan ng hotel because it was like in the middle of the woods dahil sa mga pine trees na nakapaligid dito.

"Grabe sobrang ganda naman dito, no wonder it's a five-star hotel." dinig ni Autumn na bulong sa kanya ni France. Tama naman ang kaibigan, the hotel was so grandeur and elegant. Mukhang pinagkagastusan talaga ang pagpapatayo at interior ng buong lugar.

Pagkakuha ni Dani sa susi ng hotel room number na naka-assign sa kanilang tatlo, umakyat na agad sila at hinanap iyon. They decided kasi na sama-sama na lang sila sa isang room sa hotel. The room was so huge, natawa na lang siya ng sabik na magdive si France sa isang kama.

"May two hours pa tayo para magpahinga at magprepare bago tayo pumunta sa hall nitong hotel, anong plano niyong gawin?" sabi ni Dani habang inaayos na nito ang dala nitong luggage. Seven pa lang kasi ng umaga, mamayang nine a.m pa ang start ng first day ng conference.

"I will sleep muna, hindi ako nakatulog ng maayos sa bus kanina." humihikab na sagot ni France.

"Ako mag-iikot ikot lang ako sa paligid. I will take some pictures para ipadala sa parents ko." ani niya. Hindi na naman siya inaantok, atsaka kailangan din niya tawagan si Pollux. Tumango naman ang dalawang babae. Pagkatapos niya ayusin ang sariling luggage, lumabas na sila ng suite nila.

Naglalakad siya sa hallway nang magulat na lang siya nang biglang humila sa kaniya pasandal sa pader. Muntik pa siyang sumigaw kung hindi lang nakatakip ang isang kamay ng estranghero sa bibig niya. Her eyes widened nang makilala ang humila sa kanya.

"Pollux! You're here!" saad niya matapos tanggalin ang kamay nito sa bibig niya. Dinamba niya ng yakap ang binata. Hindi niya in-expect na nandoon din ito. "I thought you're not coming?" tanong niya, nung tinanong kasi niya ito noong nakaraan, sabi nito hindi ito makakasama.

"I change my mind and besides I'm the headmaster of my school so it's also my resposibility to take care my students, to make sure that you're all safe here."

Autumn giggled.

"Sus, puro palusot ang Daddy Pooch ko, na-miss mo lang ako eh. Babantayan mo ako 'noh?" tudyo niya sa binata. nagsalubong naman ang kilay nito at sinamaan siya ng tingin.

"Of course, ayokong maligawan ng iba ang manliligaw ko."

Automatikong namula ang magkabilang pisngi ni Autumn sa sinabi nito. Pasimple pa niyang sinapo ang dibdib, her heart was palpitating! Mahirap pala kapag si Pollux ang biglang bumabanat, nakaka heart attack.

"What's your suite number?" tanong pa nito sa kanya. Sandali niya ito tinitigan bago ito nanunuksong siniko sa kalamnan nito, simpleng tsansing na rin.

"Bakit? hindi mo ako masosolo doon, kasama ko sa room sina Dani at France." napamura ang binata. Mas lalo siyang napangisi, mukhang may plano sa kanya ang lalaki. Miss na rin siguro ng binata ang sexy time nila. Simula kasi ng dumating sila from Japan, wala pa ulit na nangyayari sa kanila ng lalaki.

SingularityWhere stories live. Discover now