Prologue

379 9 3
                                    

Sunod-sunod na katok ang gumising sa ulirat ni Patty mula sa kanyang pagkakatulog. Di niya lubos maisip kung sino kayang poncio pilato ang naglakas loob na bulabugin siya sa ganitong oras.

"Teka nga, sandali lang." aniya habang itinatali ang kanyang roba. Tiyempong pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang miserableng mukha ng lalaking minahal na ata niya for almost six years mula nang makilala niya ito.

'Oh,oh not again'ani niya sa sarili

"Patty." ani nito at agad dumaosdos sa kanya.

"Hoy, teka Drew tumayo ka nga .Hindi kita kayang buhatin." Himutok niya rito habang sapilitang itinatayo at sinimulang akayin sa kanyang sofa.

"Mahiga ka muna jan' at kukuha lang muna ako ng maligamgam na tubig at bimpo." ani niya rito.Pagkabalik niya ay agad niya itong pinunasan at agad ring naglintana.

"Ano na namang nangyari sa'yo at nagkaganito ka na naman?" tanong niya rito habang ito'y nakapikit.

"Si Ally kasi naki..." hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil inunahan na niya ito.

"Yan si Ally na naman na nakita mong may ibang lalaki kasama. Putcha naman Drew can't you just wake up ang move on. Kailan mo pa matatanggap na ayaw na sa'yo ni Ally." galit na sabi niya rito.

"You're almost like this for a month already, di ka pa ba nagsasawa?" saad niya habang padaskol na pinupunasan ang mukha nito.

"Ikaw Patty, n-nagsasawa ka na bang alagaan ako?" tanong nito sa kanya while she can really see the sadness written all over his face ngunit nakapikit pa rin ang mga mata.

"T-Talaga bang tinatanong mo ko niyan Drew, eh tuwing nagkakaganito ka ay dito ka palagi napapadpad sa condo ko. Sa tingin mo sinong di magsasawa nun, pero yun nga lang kahit magreklamo ako ay wala namang mangyayari, diba?" Kasi hanggang ngayon ay. . ." hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil umalingawngaw na ang paghihilik nito na palatandaan na nakatulog na.

'Iyan, diyan ka magaling ang tulugan ako.Pero pasalamat ka dude,di kita kayang tikisin'

Kinumutan na niya ito at hinimas ang medyo nagulong buhok. Hindi niya maiwasang titigan na naman ang maamo nitong mukha habang natutulog.

"Ba't ba kasi hindi na lang ako ang minahal mo dude?" malungkot na sambit niya sa lalaki at tumayo.

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon