f o r t y s i x

173 16 0
                                    

[Debby's]

"Sobrang galing as in guys!!! Basta yung sa stunt Debby be careful ahh, remember 8, 7, 6... kapag 6 dun ka na tatalon, tas Doyoung dapat naka-support ka na para ano hindi madisgrasya. Okay? Okay. Guys ha!!! Ang galing niyo wag kayon kakabahan ah, if ever man na matalo okay lang!!! Atleast you did your best!"
Ay sarap sa ears, kala ko papagalitan kami, iba kasi ang kaba pag tunay na dancer ang nanonood sa sayaw niyo.

Malaki talaga respeto ko kay Ma'am Lisa. Isa siya sa mga role models ko. Galing kasi sumayaw, sobrang angas.

"Salamat po." Pag-bow namin ni Doyoung, "O sige pahinga muna kayo, I'll go na ha, oh and then practice ulit, okay?" Tumango kaming dalawa. Lumabas na si Ma'am sa practice room at iniwan kami ng ngiti.

"Ahhhh!" Sigaw ni Doyoung, tinigil niya ang nagpplay na music. Kinuha ko ang baon kong tubig sa bag ko, nakita ko namang dalawa ang water bottle ko kaya napagisipan kong ibigay kay Doyoung yung isa. "Uy 'Young tubig oh." Binato ko naman sakanya ang tubig at nasalo niya naman ito. "Salamat, Debby."

Pagkatapos ko uminom ay humiga ako sa sahig. Ahhh, sarap sa feeling, kahit matigas yung hinihigaan ko sobrang relaxing.

Umupo naman si Doyoung sa tabi ko, "Pagod masyado ah?" Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Sobra, hirap kasi ng pinili mong sayaw eh!"

"Nanisi ka pa! Ikaw pumili non, um-oo lang ako noh!" Siko na sa balikat ko. "Joks hahahaha. Hayss, sobrang nakakapagod!" Sigaw ko naman.

Bumangon na ulit ako kasi, sumasakit na likod ko. Tinignan ko naman si Doyoung na nakatingin lang sa sahig.

"May sasabihin ako."

"Uy May sasabihin ako." Sabay pa kami.

"Ikaw muna." Sabi ko, umiling siya at natawa. "Hindi ikaw muna, baka mas importante yan." Nagdalawang isip pa ako pero sige.

Humugot ako ng hangin bago magsalita.
"Doyoung paano b-bakit mo ba ako nagustuhan?"  Napatingin siya sa paligid at natawa, "Huy seryoso! Tawa ka pa diyan, ano nga?"

"Actually, ewan ko? Hindi ko alam. Sobrang daming rason kung bakit kita nagustuhan, that I don't even know hot to put it into words. To the point na, wala na akong masabi haha. Whenever they ask me that kind of question I become speechless."

"Hoy! Reasons!" Paglaban ko.
"Hindi pwedeng walang reas-"

"All I know is that I liked you, I really liked you. And I guess, minahal din kita? Kasi ganun naman yon diba? If you love someone, and they asked you the reason why you love him, wala kang masasagot. You'll ran out of reasons kasi all you know is that you love him, and that's all that matters."

"You're amazing, you're beautiful inside and out. Dalawang rason yan, marami pa sa utak ko hehehe." Wala akong masabi sa sinabi niya, ang ganda.

"Huy ano, natulala ka na diyan." Pumalakpak siya sa harapan ko. Nawala na naman ako sa sarili tsk. "Ah eh, wala! Ganda ng sagot mo eh! Grabe talaga, in love na in love ka sa akin ahh." Napangisi naman siya.

"Hahaha oo, noon..." Saglit na katahimikan ang pumalibot sa amin. Haaaay.

"Ah nga ikaw anong sasabihin mo?" Kumunot naman ang noo ko at inantay ang sasabihin ni Doyoung.

"Ah ano, k-kasi alam ko yung sa inyo ni Jeongwoo,"

"Na nag fake-dating kayo, dahil sa akin, na gusto mo na iwasan na kita." Bumilis naman ang kabog ng dibdib ko. "Sorry talaga Doyoung... Sorry lang talaga, sobrang sama ko sayo ano?" Napapikit naman ako. "Hah? Hindi ahh! Wag mong sabihin yan, sa totoo lang narealize ko din yon, bakit ko pa ipapagsiksikan yung sarili ko sayo diba eh hindi mo ko gusto? Matigas din ulo ko ehh hahahaha, pero ayun okay langggg! Tapos na yun, ano ka ba, we're cool naman na eh." Binigyan naman ako ni Doyoung ng ngiti at sinuklian ko siya ng mahigpit na yakap.

jowa.  jeongwooDonde viven las historias. Descúbrelo ahora