f i f t y t w o

155 15 0
                                    

[Jeongwoo's]

Performance day na, nakakakaba pero bahala na si Batman! Tapos na akong ayusan kaya napagisipan kong puntahan muna si Debby.

Nahuli ng mga mata ko ang presensya niya kaya agad ako pumunta sa kinatatayuan niya. "Looooove!" Agad naman siyang lumingon. "Hello, love." Para talaga akong nanalo sa lotto sa lapad ng ngiti ko ngayon. Naks.

Napansin ko namang para siyang nanghihina, "Huy okay ka lang?" Tumango naman siya ng dahan-dahan. "Sure ka? May sakit ka ba?" Agad ko namang nilagay ang palad ko sa noo at leeg niya. "Uy wala, nahihilo lang ako. Pero kaya ko naman." Sabi niya, kita sa mukha niya na namumutla siya. "Namumutla ka kaya, wag ka na lang kaya magperform?" Sumama naman bigla ang tingin niya sa akin.


"Hindi ngaaa okay lang ako, sa make-up to baliw." Huminga-hinga naman ako ng maayos. "O siya sige, mauuna na ako. Goodluck sa performance mamaya ahh." Nginitian niya naman ako. "Ikaw din ah, goodluck! Galingan mo."


Umalis na ako sa room nila at bumalik na ulit sa room ko, nakita ko namang pinapapila na ang mga kaklase ko. Hinanap ko si Mira at nakita ko namang tinitawag niya na ako. "Jeongwoo! Dito ka! Dito yung pila natin!" Tumango agad ako, at tumakbo papunta sa pilahan ng mga magpperform.  


Mga iilang minuto, tiniwag na kami nung sc na host. Shit ayan na nakakakaba naman. "Go guyys!" Sigaw ni Haruto. Nung umapak na kami sa stage ay nagsihiyawan na ang lahat. Nahagip naman ng mata ko si Debby na nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng finger-heart bago magperform. Nagfinger heart din naman siya. Kilig ako pre.

Humugot ako ng lakas ng loob para simulan na ang performance namin.

________________

Yung video sa taas imaginine niyo nalang si Jeongwoo at Mira yon tapos na sa stage sila.

jowa.  jeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon