Chapter 25🔫

5.3K 112 3
                                    

Tsup!Tsup!Tsup!

Dumilat ang aking mga mata ko nang makaramdam ako ng bigat sa itaas ko. Nakabaon na naman ang mukha nito sa aking leeg habang dinadampian ito gamit ng kaniyang labi.

"Gising na..."Bulong nito sa tenga ko at marahang kinagat iyon.Tinuloy niya ang pagromansa sa akin.Mukhang hapon na dahil sobrang tirik na ang araw.

"Damian ang bigat mo..."Reklamo ko nang hindi pa rin siya bumabangon sa akin.Umayos na ito ng upo sa kama at kinuha ang pagkain mula sa side table.

"Breakfast in bed?"Nakangiti nitong sabi."I figured na pagod ka dahil sa kagabi kaya ako na ang nagkusang magluto ng tanghalian."Kinindatan ako nito.Tama nga siya pagod ako dahil sa kagabi.Napakaraming ginawa sa fiesta mula umaga hanggang madaling araw. Pagkauwi pa rito sa bahay ay niyaya akong magkulong ni Damian dito sa kwarto para bumawi sa mga nawalang oras.Mabuti nga at mahimbing ang tulog ni papa dahil sa sobrang kalasingan.Kung hindi ay baka nahuli kami ni Damian sa mga kalokohang ginawa namin kagabi.

"Salamat..."Inangat ko ng sarili ko sa headboard at sumandal.Napahinga ako nang malalim saka kinondisyon ang katawan ko.Halos mag-uumaga na rin kami natapos ang pagtatalik namin ni Damian dahil nakainom ito at sobrang lakas ng resistensiya.Heto ako ngayon parang lantang gulay.

Ring!Ring!Ring!

"Kainan mo na yan sasagutin ko lang ito."Tumango ako sa kaniya bago ito lumabas.Inipit ko ang kumot hanggang sa dibdib ko at saka nagtali ng buhok.

Sinunggaban ko na ang pagkaing inihain niya sa akin.Spam at sinangag lang iyon pero grabe talaga ang sarap nito sa umaga.Lalo na kapag hindi ikaw ang nagluto at kakain ka lang. Para akong prinsesa na nasa palasyo.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang mapangiti.Naalala ko kasi ang mga kaganapan kagabi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na rin ni Damian sa wakas!

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagharana niya sa akin sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko.Habang buhay ko iyon matatandaan.

Worth it din pala ang mga hinanaing ko sa buhay kung ito naman pala ang magiging kapalit.Parang dati pinapangarap ko lang ngayon abot-kamay ko na.Wala na akong maihihiling pa sa sobrang saya ko ngayon.

Maya-maya ay napatigil ako sa pagmumuni-muni nang bumalik na si Damian sa kwarto.May matinding disgusto sa mukha nito.Parang malalim ang iniisip dahil sa tawag na natanggap nito.

"Bakit?Sino yun?"Alalang tanong ko sa kanya.Umupo naman siya sa tabi ko saka natulala sa kisame.Mas lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"It's Calvin,He's inviting me sa birthday party ni papa mamaya..." Hindi ko mawari ang ekspresyon ng mukha niya ngayon.Alam kong hindi sila magkasundo ng papa niya kaya grabe ito kung mag-isip ngayon.

"Galit ka pa ba sa kaniya hanggang ngayon?"Sa tanong kong iyon sa kaniya ay hindi agad siya nakasagot. Malalalim ang hiningang mga binibitiwan nito.

"Sobra..."Naiyukom niya ang kaniyang kamao sa galit."Iniwan niya lang kami nag-iisa.Despite our financial stability sobrang nahirapan pa rin si mama na itaguyod ako.She was being a mother and a father for me at the same time."

"Huwag ka naman ganyan.What your father did was wrong Damian,pero papa mo pa rin siya..." Wala naman kasing perpektong magulang.Lahat sila nagkakamali pero sila pa rin ang nagbigay buhay sa atin.Kung wala sila ay wala rin tayo.

"Sa dugo oo...pero bukod pa roon wala na akong kinalaman sa kaniya. Matagal na siyang patay para sa akin."
Niyakap ko ito nang mahigpit.Ayoko namang mamuhay siya sa sakit at poot.Kailangan niya rin matutong magpatawad.

Under The Cop's PossessionWhere stories live. Discover now