MBFH - 11
KINT'S POV
Araw na naman nang lunes, kaya naman mabilis kung inayos ang aking sarili, para sa pag pasok ko sa paaralanTulad pa din nang dati sa kotse pa rin ako ni King sumakay papuntang school
Nakakainis nga't nandito na naman ako sa kalsada, katulad pa rin nang dati dito pa rin ako binaba nang magaling kung Husband, Future Husband pala.
Kainis, ganto na lang palagi ang set up namin, sasabay ako sa kotse niya tapos dito niya ako ibaba sa gilid nang kanto
Inis na inis pa rin ako habang nang lalakad, habang iniisip ko 'yung nag yari kahapon, iyung pag punta nila tito at tita Crystal
Dumagdag pa sa iniisip ko iyung panaginip ko kahapon
"kainis" ika ko at saka ko pinag patuloy ang aking pag lalakad, at hindi na muling inisip ang mga iniisip ko, sakit lamang sa ulo
Agad din akong nakarating sa school usual tagatak na naman ang aking pawis ewan ko ba dito sa amin kahit na maaga ee! Ang init init
Papasok na sana ako sa Room ng may tumawag sa pangalan ko
"Isaac" tawag ng kung sino hindi ko na sana ito papansinin, dahil baka hindi ako, tutuloy na sana ako sa pag pasok ng may kumuwit sa akin dahilan para mapatingin ako sa taong yun.
Agad naman akong ngumiti ng makilala ko kung sino yun, si Reian
"Ohh? Bakit Reian?" tanong ko sa kanya
"Hmm, wala naman gusto ko lang tong ibigay sayo!" Ika nito sabay abot sa akin ng cupcake?
"Ohhh para saan to?" naguguluhang tanong ko sa kanya
"Ahh wala nag gawa kasi si mom ee! Masyadong marami kaya binigay ko na lang sayo" ika nito halata mong naiilang, dapat ibinigay na lang niya sa mga katulog nila
"Ahh salamat!" Sabi ko na lang sa kanya
"Geh, una ako!" Ika nito at saka ng lakad at pumasok sa room na kalapit lang din nang room namin
Kaya pumasok na lang din ako at saka umupo sa tabi ni tanya
Maya maya pa dumating na rin ang aming guro para sa oras na yun, na agad din naman na nag turo
Mabilis na lumupis ang oras at ngayon nga ay Recess na
"Pahinge!" ika ni tanya ng makita ang cupcake na hawak ko, basta pag kain ang bilis niyang makita
Agad ko naman itong tinago sa likuran ko para hindi sya makahinge hahaha. Sinusumpong na naman ako ng aking kadamutan
"Bawal" natatawang sagot ko sa kanya na parang bata, nakita ko naman itong nang ngumuso
"Patikim lang ee!" Pangungulit nito sa akin
"Bawal nga, akin 'to" ika ko sa kanya at saka ako dumila haha
"Bat ang damot mo, saan ba galing yan?" tanong niya sa akin nahihimigan ko sa kanya ang pag kaseryos
Mabilis ko naman siyang sinagot, "Kay Reian" sagot ko sa kanya, natigilan naman ako sa sinabi niya
"Ahh, kaya pala" ika nito na umiiling iling pa, naguluhan ako
"Ee! Kayo ni Charles kamusta date nyo kahapon" tanong ko ng maalala ang pag uusap namin kahapon, para na din baguhin ang usapan
"Ee! Siraulo yung lalaking iyun iniwan ba naman ako!" Sagot nito ramdam ko ang inis sa tuno nang pananalita niya, na tawa naman ako
"Anong nakakatawa?" napipikon na tanong nito sa akin
BINABASA MO ANG
Love Reborn | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.
RomanceKint Arnaiz craves a peaceful life, free from bullying and humiliation. But when his secret with Mattheus King Devereaux is exposed, his world may be forever changed. This hidden truth marks the beginning of their love story again, one that will ult...