Page 39 (BATTLE's BEGIN)

600 26 13
                                    

Dale's POV

Isang linggo ang nakalipas..

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi padin mawala sa isip ko yung nanagyari dun sa lamay. Bakit hindi sinagot ni Aena kung nakuha niya ba ang sulat na ipinapadala ko sa kaniya araw-araw? May natatanggap ba siya? Tsaka sobrang sakit nung nalaman ko na alam pala nung mga kaibigan ko na hindi kasal sina Aena at Cret, nagmukha akong bata na naiinggit sa kanila tapos hindi pala talaga sila kasal.

Nanginig naman bigla ang buong katawan ko ng may humawak sa balikat ko. Kaya naman agad kong tiningnan kung sino yun, si Cora lang pala.

"Oh bat parang gulat na gulat ka? Tsaka parang ang lalim naman ng iniisip mo" tanong niya sakin.

"Wala naman, may naalala lang" sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya at tinabihan ako dito sa may kawayan na upuan sa terrace. "Ah, teka yung kapatid mo nga pala pinatulog ko na sa kwarto natin. Grabe pinagod ako buong maghapon kahapon, teka saan ka ba galing nung isang isang araw?" tanong niya ulit sakin. Diko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Dapat ko bang sabihin na galing ako sa burol ng magulang ni Aena? Iimik na sana ako ng umimik ulit siya. "Hindi ka na nag-papaalam sakin tuwing may pupuntahan ka nakakatampo naman yun Dale" sabi niya sakin kaya naman tiningnan ko siya.

Ang lungkot ng mukha niya habang naka-tungo, tumingin namab ulit siya sakin. "Sige babawi ako sayo, mag-bihis ka lalabas tayo. Isama na natin si Theo" sabi ko sa kaniya kaya naman nag-automatic yung ngiti sa labi niya.

Tumayo naman siya. "Sure ba yan?" tanong niya sakin. Tumango lang naman ako sa kaniya.

Dali-dali naman siyang nag-lakad papunta sa loob. Maliligo pa yata yun.

After ng ilang minuto..

Bihis na kami at nakasakay na kani dito sa kotse papunta sa mall. Nasa likod naman si Theo at yung kasambahay namin ng mag-salita na naman si Cora. "Totoo ba to Dale?" tanong niya ulit sakin.

"Oo nga, nadito na tayo oh" sagot ko sa kaniya.

"Hehe sorry sa paulit-ulit na tanong, kasi naman e ngayon mo lang ako nilabas simula nung nagkasama tayo" sabi niya sakin kaya naman malungkot akong napatingin sa kaniya. Eto nga lang ang unang beses na lumabas kaming dalawa. Hays, siguro kailangan gawin ko may espesyal ang paglabas namin na to ni Cora. Hindi to Date pero ipaparamdam ko kay Cora na ito ang pinaka-masayang araw para sa kaniya. "Dale tumingin ka sa dinadaanan mo!" sigaw niya kaya naman taranta kong binalik ang tingin ko sa kalsada.

"Sorry" sambit ko sa kaniya.

"Ikaw Dale ha, mukhang gandang-ganda ka sakin ngayon at nadistract ka sa pagmamaneho mo" pang-aasar na sabi niya sakin.

Hindi naman na ako umimik at tumawa nalang sa kaniya. Nagfocus nalang naman ulit ako sa pagmamaneho. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Mall. Pagbaba ng kotse ay naglakad na kami papasok, nakasakay naman si Theo sa stroller at itinutulak ni Manang.

"Oh sa'n muna tayo?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa Mall.

"Let's eat muna" sabi niya sakin.

Kaya agad na kaming naglakad papunta sa isang restaurant sa Mall.

Aena's POV

"Sinabi nang ayoko sumama, tirik na tirik nung araw tas yayayain niyo'ko gumala. Kayo nalang, as if naman na hindi kayo makakalakad ng wala ako" sabi ko sa kanila. "Tsaka walang magbabantay kay Mari dito. Kayo nalang, pasalubungan niyo nalang kame" sabi ko ulit sa kanila.

Fight for Love (Accidental Pregnancy SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon