Page 41

473 25 12
                                    

Dale's POV

Hindi padin mawala sa isip ko yung nararamdaman ni Maggie ngayon. Sana hindi ko siya pinabayaan magka-ganun, sana hindi nalang ako pumayag na magsama sila ni Sid. Naiinis ako, sabi niya aalagaan niya ng mabuti si Maggie pero bakit ganun? My cousin is dying, she's dying because of me.

Napatayo naman ako kaya napatingin si Sid sakin na nakahawak sa kamay ni Maggie. Lumapit ako sa kaniya at inalis yung kamay niya sa kamay ni Maggie na tulog padin.

"Why?" tanong niya sakin at tumayo upang harapin ako.

"Get lost and stay away from us, from her" sabi ko sa kaniya.

"What.. what— Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sakin.

"Wag ka nga mag-maang maangan Sid. Sabi mo sakin aalagaan mo ng mabuti si Maggie, dimo hahayaan na masaktan o mahirapan siya. Pero ngayon, nilagay mo siya sa alanganging sitwasyon" sabi ko sa kaniya.

"Dale, magsi-sisihan pa ba tayo dito? Hindi ko alam na ganun, na posible mangyari yun sa kaniya—"

"Kasi hindi ka nag-iisip, sana ginawa mo yung trabaho mo. Boyfriend ka niya diba? I mean asawa, asawa ka niya Sid. How stupid is that idea na mag-tanan kayo ng hindi nag-iisip!" pigil ko sa sinasabi niya.

"Aha, nagsalita ang napaka-huwarang boyfriend, i mean asawa" sabi niya sakin at idiniin ang sinasabi niya.

"Hindi yun ang pinupunto ko Sid, ang gusto kong ipunto ay—"

"Hindi, yun yung gusto mong ipunto e. Usapang mabuting kasama ngayon ha, ikaw naging mabuting ama ka ba?" tanong niya sakin kaya naman nag-taka ako. "Diba nga iniwan mo si Aena at ipinagpalit sa iba? Dimo alam na may anak kayo, ha. Ano hindi mo alam? Kasi wala kang kwentang ama" sabi niya pa at lumabas ng kwartong iyon.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, maniniwala ba ako o ano. Anak namin ni Aena? May anak kami? Siguro naguhuluhan lang siya sa nangyayari, pati ako mas naaguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. Pero posible din na may anak kami ni Aena kasi may nangyari samin noon 3 years ago. Teka si Mari, malapit na siya mag-3 ah, or 3 na siya? Diko alam, ang gulo. Bakit ngayon to pumapasok sa isip ko. Tsaka tutal, hindi ako sigurado sa tatay nung bata hindi naman si Cret yun. So posible kayang? Hindi, hindi ako dapat ang magsabi nito, kundi si Aena.

"Dale" rinig kong tawag sakin ni Maggie, kaya naman napatingin ako sa kanya. Nilapitan ko siya at inalalayan makaupo. "Where's Sid?" tanong niya uli sakin ng makaupo siya.

Diko naman alam ang isasagot ko, pano pa nalaman niya na pinaalis ko si Sid dito. "Sid? He.. go home. Hinahanap na siya ng daddy niya" sagot ko sa kaniya.

"I don't want here, dalhin mo'ko kay Sid" sabi niya sakin.

"Maggie gutom ka na? Tatawag akong nurse para makakain ka" pag-iiba ko sa usapan.

Pero mukhang ayaw niya padin alisin si Sid sa isip niya. "Dale sabing ayoko dito" sigaw ni Maggie at inalos yung dextrose na nakapasak sa kamay niya.

Lalabas sana siya sa kwarto niya pero napigilan ko agad siya. "Maggie ano ba?! Hindi ka pa magaling, bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong ko sa kaniya habang hawak yung magkabilang balikat niya.

"Nagkakaganto ako dahil kailangan ko si Sid. Hindi ako gagaling kung wala siya sa tabi ko, siya ang gamot na kailangan ko ngayon so please, dalhin moko sa kaniya" pagmamakaawa ni Maggie sakin.

"Sige" maikling sagot ko sa kaniya.

Kumalma naman siya at bumalik sa higaaj niya, bigla naman may nagsipasok na Nurse sa kwarto namin at sila na ang nagasikaso kay Maggie. Agad naman akong lumabas ng kwarto na yun para agad na tawagan si Sid. Mabuti at sinagot niya agad.

Fight for Love (Accidental Pregnancy SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon