KABANATA 23

902 54 8
                                    

Ginabi na kami ni Bryan sa pag uwi ayaw man namin ay hindi ito maaari.

Inihatid nya ako sa bahay namin bago sya nagpaalam.

Pagkapasok ko ay si Dad agad ang bumungad sakin.

"Janica? saan ka pumunta?" tarantang tanong nito.

"Sa labas lang Dad" ani ko at humalik sa pisngi nito bago ako umakyat sa taas.

Pagkapasok ko ay nagulat ako ng may tao sa aking banyo.

Dahan dahan akong lumapit dito upang pakinggan kung sinong nandun.

Muntik na akong matumba kung di nya ako nahawakan, nagulat ako ng makita ang basang basang katawan ni Zack.

"What are you doing here?" nagtataka kong tanong dito.

Ngumiti lang ito at dumiretso sa closet ko, halos napanganga ako ng makitang andun ang mga gamit nya.

"Dito na ako titira sweetheart" nasisiyahan nyang sambit.

"WHAT?! Hindi pwede ito." Naiinis kong hasik sa kanya at nilisan ang kwarto ko.

"MOM, DAD" sigaw ko habang pababa sa hagdan.

Naabutan ko silang nagkakasiyahan sa may swimming pool.

"Baby girl join us" yaya ni Niro

Hindi ko ito pinansin at dumiretso kay Mom and Dad.

"Dad, anong ginagawa ni Zack sa room ko? Did you agree na dito sya titira at magkasama kami sa iisang room?" sunod sunod kong tanong dito.

"Iha, nangako naman sya na wala syang gagawing masama at isa pa sa sofa sya matutulog" paliwanag nito.

"Bakit kelangan sa sofa?  E may guest room naman tayo Dad?" Galaiti kong tanong dito.

"Ija are you not happy that you and your boyfriend will stay in the same room?"  Tanong nito.

"DAD!" Medyo lumakas ang boses ko dito

Tumayo si Mom at Kuya Naji.

Napailing nalang ako at tinalikuran sila.

"Jerome hayaan mo muna sya" huling  dinig ko sa sinabi ni Mom.

Pumunta ako sa harden at sinalikop ang buhok ko.

"Janica" tawag ni Kuya Naji sa likuran ko.

Hindi ako umimik at hindi ako lumingon.

"Ako bahala kay Zack" aniya at umakbay sakin.

"Kuya, di ko gusto yung ginawa ni Dad hindi pa ako handa sa ganito." Hinaing ko dito.

"Naiintindihan kita janica." aniya at hinaplos ang buhok ko.

"Hey babygirl" biglang sulpot ni Niro

"Pag pasensyahan mo na si Dad." Aniya

Tumango lang ako at nilagpasan sila.

Binuksan ko ang kwarto ko at kita si Zack sa may sofa na natutulog.

Napailing nalang ako at nagtungo sa banyo.
Naglinis ako ng katawan ko bago nahiga.

Nag open ako ng phone ko at nakita ko ang ilang message ni Bryan.

Bryan Fontelo:

Hey what are yoy doing?

Kumain ka na ba?

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon