KABANATA 25

819 47 3
                                    

WARNING SPG....


Halos mag iisang oras na akong nakatayo dito sa burol,  at medyo nangangawit na ang aking mga binti sa pag upo at pag tayo.

Kinakabahan ako,  bakit hanggang ngayon wala pa din sya?  May ibig sabihin kaya yung kagabi?  May nangyare kaya sa kanyang masama?

Tinatawagan ko phone nya ngunit patay ito,  kahit si tita jane at tito benedict ay hindi ko matawagan ganun din ang mga kapatid niya.

Mabilis akong tumayo at agad na tinungo ang bahay nina Bryan.

Pag kapasok ko palang ay kinabahan na ako agad

Hindi ko alam kung para saan.

Nabigla ako ng biglang bumukas ang pintuan nila.

Mula doon ay nakita ko si Tita Jane na nagmamadali habang dala ang mga gamit.

"Tita?  Where are you going?" tanong ko dito.

Muka siyang nagulat ng makita akong nakatayo sa kanyang harapan.

"What's happening?" naguguluhan kong tanong.

Tumulo mga luha nito at agad na tumungo sa kanyang sasakyan.

Nagmadali nya itong pinaandar kaya agad akong pumasok sa kotse ko upang sundan si tita.

Anong nangyayare? Bakit ganun sya ni hindi man lang nya ako inimikan! Ano na nangyare kay Bryan?  Hindi ko sya makontak, napahamak ba sya? 

Lalo akong kinabahan ng iniliko ni tita ang kanyang sasakyan sa parking lot ng ospital.

Napaawang ang aking bibig at sinundan ang nagmamadaling pagpasok ni Tita sa Elevator.

Nagulat sya ng biglaang akong tumabi sa kanya.

"Tita ano po ba talaga nangyayare? Si Bryan po?" tanong ko dito.

Napaiyak lang ito at niyakap ako

Naguguluhan kong hinagod ang likod nito.

"JANICA?!" Gulat na tawag ni Bricks sakin.

Tumayo sya sa tabi ni Bryan.

Tumingin ako kay Tito Benedict ngunit umiling lang ito.

Naupo ako sa tabi ni Bryan at naiyak.

"May lukemia sya Janica." Nangingiyak na sambit ni Ate Jamilla.

Nakita ko ang ilang mga pasa sa kanyang katawan.

Gumalaw ang kamay nito.

Ngumiti siya sa kanyang ina at ama ngunit ng iginawi nya ang kanyang tingin sa akin ay agad itong napawi.

"Hi?" Wala sa sarili kong sabi dito.

Agad nyang tiningnan ang nasa likod ko.

Madilim na ekspresyon ang binigay nya kay Bricks.

Hinawakan ko ang kamay nya na kina pitlag nya.

Tumingin sya kay Tita at tumango ito.

Agad naman silang nag labasan.

"Bakit hindi mo sinabi Bryan?" At nagsimula nang lumandas ang mga luha ko.

Iniangat nya ang kanyang mga kamay at agad na pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisngi.

Pinilig ko ang ulo ko at pumikit bago dinamdam ang kanyang kamay.

"Hindi kita iiwan Janica" seryoso nyang saad.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon