Chapter 10✔️

7.6K 180 0
                                    

Icelyn POV

Mag isa ako ngayon sa kwarto, habang naka harap sa phone at nag iisip kung pano makalusot sa mga issue na kumakalat sa social media ngayon, bakit ba kasi porket kilala ng public eh kailangan pakielaman ang private life ko, hayss, parang wala yatang privacy dito, tss

Habang busy ako sa pagsabunot sa sarili ko at pag iisip kung pano nakakatakas sa issue na ito  ay halos malaglag ako sa higaan ng biglang kumidlat at sumabay ang malakas na ulan, may bagyo ba?, hindi kaya maabot kami dito ng alon?, kaya dali dali akong tumayo mula sa pagkakahiga at binalot ang kumot sa buong katawan ko dahil sa lamig

Lalabas sana ako ng kwarto ng mawala ang ilaw at may narinig na apak sa labas ng kwarto ko, oh dear, horror na ba ang itatakbo ng buhay ko?, baka may magdanakaw sa labas ng kwarto?

Nagtago naman ako sa likod ng pinto, para paglabukas neto ay hindi ako makikita dahil baka mamaya killer to

Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at narinig ang boses ni Alexander kaya nakahinga ako ng maluwag, muka itong may kausap kaya hindi muna ako gumalaw at pinakinggan ang mga sinasabi nya 

"kailan babalik ang ilaw, mang erl" rinig kong sabi neto, baka sa cellphone kausap nya dahil may naririnig din akong nagsasalita na parang robot ang boses

"yes, may mga kandila at stocks pa dito, yes, yes please be careful" rinig ko sagot neto bago may kumatok sa pinto dahilan magulat ako at mapaatras na naging sahilan upang madulas ako sa sapin

Malakas ang pagkakabagsak ko, oh dear, ang sakit sa balakang,at pakiramdam ko ay parang naipitan yata ako ng ugat sa paa at dahil madilim ay nangapa muna ako at ang tanging ilaw ko lang ay ang mga kidlat at ng bumukas ang pinto at nakita ko si Alexander na may flashlight habang nag aalala ang muka neto

Nakita naman ako neto kaya nung tatayo ako ay naramdaman ko ang sakit sa paa ko at ng tignan ko ito, mukang manika ang paa ko dahil nadulas ng ako sa sapin at parang na ipitan ako ng ugat kaya hindi ako gumalaw muna at ininda ang sakit

Nagulat naman ako ng ipahawak sakin ni Alexander ang flashlight nya at binuhat ako ng pa bridal style, kaya humawak nalang ako sa balikat nya habang ramdam ko ang sakit sa paa ko

Inilapag nya ako sa higaan at kinuha ang flashlight at tinignan ang paa ko, namumula ito at may mga part na nagiging violet na, he looks worried at dahan dahang sinuri ang paa ko,a at dahan dahan din itong pinatong sa unan

"stay here, kukuha ako ng yelo" sabi neto at iniwan sakin ang flashlight at hineram ang phone ko para gawin iyong ilaw, ginagawa ng phone neto?, tumayo naman ito at lumabas ng kwarto kaya naiwan ako magisa habang nakaupo sa dulo ng kama

Hinawakan ko naman ang paa ko at ramdam ko ang sakit neto, kaya naluluha ako sa sakit, oh dear, ilang beses nako na sprain nuon at ngayon kolang uli naramdaman ang ganitong sakit

Tumingin naman ako sa binatana at tinignan ang ulan at pinakinggan ito upang kahit papaano ay mawala ang sakit, and sa awa ng dyos ay unti umti naman nawawala ang sakit pero kapag igagalaw ko ay mahapdi parin

Huminga ako ng malalim at nilukot ang kumot dahil bawat pilit kong igalaw ang paa ko ay masakit talaga

Parang may kurayom na naka paloob sa paa ko at tumutusok ito kaya masakit, nagmamanhid na rin ito at halos hindi ko magalaw

Pinunasan ko naman ang luha na umaagos at pinatatag ang sarili, at huminga ng malalim dahil sa sakit

𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷𖧷
Alexandre POV

Kinuha ko ang mga ice cubes sa freezer, mabuti nalang at hindi ito natunaw, what on earth is she doing ba?, hayss, napaka lampa talaga

Kinuha ko din sa sala ang first aid kit  sa ilalim ng lababo ng kusina at ng mga kandila dahil sobrang dilim talaga, bago bumalik sa kwarto

Mr and Mrs Phoenix (COMPLETED) Where stories live. Discover now