Chapter 2

57 2 0
                                    

Chapter 2


Marigold

Bumaba ako ng tricycle. "Eto po,"bayad ko.


Tinanaw ko ang malaking mansyon at parang gusto ko ng umuwi. Humugot ako ng malalim na hininga at agad na tinawagan si Ate Maricris.


"Oh? Nandito ako sa palengke. Nasaan ka na? Nand'yan ka na?"


"Ate..."tawag ko at sumimangot. "Ang laki ng bahay na 'to. Mansyon siya. Mukhang mayaman sobra ang nakatira rito. Parang gusto ko na umuwi..."


Tumawa siya. "Experience 'yan, 'no! Mag-ingat ka, ha. Hoy! Umayos ka. Baka ma-rape ka d'yan. Lagi kang magsasara ng pinto."


Hindi pa nga ako sigurado kung may sarili akong kwarto rito. Huminga ako ng malalim at nag-umpisa ng maglakad patungo doon.



"Sige na, Ate. Papasok na ako. Babalitaan nalang kita-"



"Teka, teka! May naalala pala ako para d'yan sa prince charming mo. Sinabi na 'to sa akin ni Jana dati pero kanina ko lang naaalala no'ng naliligo ako." Humagikhik siya.


Tumigil ako sa paglalakad. "Ate, hayaan mo na muna 'yang si prince charming. Kinakabahan ako rito sa trabaho ko..."


"Yang prince charming mo, kaibigan niya iyong boss. Siguro, mayaman iyon! Diba kasi kapag kaibigan mo 'yong boss, sigurado, mataas din ang antas mo sa kompanya." Tumili siya sa kabilang linya, kinikilig. "Naku! Ano kaya siya? Vice President? O baka naman magkaibang kompanya sila ng kaibigan niya tapos siya pala ang CEO! Naku, yayaman na tayo!"


Bigla ay naalala ko si Sir Oasis. Iyong George na nag-oorient sa amin no'ng nakaraan ay boss si Oasis. Ibig sabihin, mataas na ang pwesto ni Sir Oasis. Tapos si Sir Oasis, may boss pa siya! Itong pagtatrabahuhan ko ngayon. Siya na ba ang pinakaboss o may mas mataas pa?



Nakakabaliw! Pinapahirapan ako ng soulmate ko.


"Kaibigan ng pinaka boss ng kompanya, gwapo, gentleman, matangkad, mabait at may pakak na jawline!"ani Ate.


Bumuntong-hininga ako. Si Sir Oasis talaga ang tinutukoy sa mga sinasabi niyang characteristic no'ng prince charming ko.


Pinatay niya na ang tawag dahil marami na raw ang bumibili. Hinarap ko na naman ang reyalidad. Ang malaking mansyon. Napasinghap ako at agad na naglakad patungo sa gate.



"Ikaw iyong bagong maid?"tanong ng guard kaya agad akong tumango.



Nakakapagtaka. Ang daming man in black dito sa tapat ng gate. Sindikato kaya itong mga 'to o mga guard lang?



"Pasok ka,"


Agad na akong nagdire-diretso sa pagpasok. Para akong nalula sa labas palang ng bahay. May swimming pool, at may fishpond. Iyon lang ang natatanaw ng mata ko tapos may garden pa sa medyo dulo kaso hindi ko na makita ang kabuuan no'n.




Ang laki ng mansyon na 'to!


May tumikhim sa aking likuran kaya agad akong napalingon. Nakita ko ang isang matanda na nakasuot ng apron dress. Sa kanang kamay ay hawak ang isang nakaplastic na may lamang nakatuping apron dress tapos sa kaliwang kamay naman ay ang kahon na lalagyan siguro ng sapatos. Sa kili-kili niya'y nakaipit ang isang folder at kilalang kilala ko ang folder na 'yon. Folder ko 'yon na may lamang resume ko. Ba't nayupi na?




"Magandang araw, po."magalang na sambit ko at ngumiti pero nakabusangot lang siya.




Inabot niya sa akin ang kaniyang hawak kaya agad-agad kong kinuha iyon sa takot na baka mabwisit siya sa akin.



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now