Chapter 9

43 3 0
                                    

Chapter 9



"Ito na po, Sir!"malakas na boses na sambit ko at inabot sa kaniya ang bola.



"Galit ka?"masungit na tanong niya.


Malawak na ngumiti ako at umiling. "Hindi po, Sir. Laro lang kayo."



Humalakhak si Sir Oasis. "Pasok ka na, Marigold. Aahon na rin naman ako."


"Ba't ka aahon? Naglalaro pa tayo."si Sir Abrys at binato siya ng bola na sinalo lang niya.



"Ang sakit na ng ilong ko, gago! Bahala ka d'yan!"



Buti naman! Nilingon ko si Sir Abrys. Nagkibit-balikat siya at walang nagawa. Nang tingnan niya ako ay pinagkunutan agad ako ng noo na para bang naiinis dahil nakatingin ako sa kaniya. Agad na akong tumalikod sa kaniya at napairap sa hangin. Sama ng ugali.



Ayun na nga ang nangyari. Umahon na si Sir Oasis kaya tumakbo na agad ako papasok ng bahay. Kaya naman nang kinagabihan na 'yon, sobra talaga ang pagod ko.



Buti nalang at natapos ko na ang modules kaya nakatulog agad ako ng maaga.


Kaya kinabukasan, ang aga ko ring nagising. Nagulat ako kasi gising na agad si Kikay at kakatapos lang maligo. E' alas kuatro y media palang.



"Yieee, nakakatulog na siya ng maaga!"aniya sa akin. "Kailan mo sa-submit ang modules mo?"



"Pwede na i-submit yan ngayon. Ilang weeks din kasi ang nakapaloob d'yan kaya matagal-tagal bago ang deadline. Buti nga natapos ko kaagad!"


Naligo ako at agad na nagbihis ng uniform. Natapos ako at kaka-alas singko palang kaya nagkaroon pa ako ng oras makipagkwentuhan kay Kikay.


"Magjowa na yata si Miss Ari 'tsaka si Sir Zach,"aniya sa akin.



"Imposible 'no! Magkaaway iyon, diba?"tanong ko sa kaniya.


Tumango siya at madramang bumuntong-hininga. "Basta pansin ko kasi! Kasi no'ng nakaraan, lagi akong natatanong ni Sir Zach kung nasaan si Miss Ari. Kung bumaba raw ba, kung nakakain na raw ba, ganyan ganyan. Basta!"aniya at inis na napakamot sa kaniyang ulo. "Tapos si Miss Ari, gano'n din! No'ng mga nakaraang nakaraan pa 'to nangyari. Tinanong niya ako isang beses kung nasaan si baby Zachariel ko. Sasabihin ko sana nasa puso ko kaso natakot ako 'te, baka barilin ako." Humalakhak siya.



Natawa rin ako dahil doon. "Malay mo naman, curious lang-"


Tinampal niya ang braso ko para matigil ako sa pagsasalita. "Ito pa! Hindi ko na tanda kung kailan 'to nangyari. Dapat ikekwento ko sayo kaso busy ka sa paggawa ng modular."


Tumango ako, pinapatuloy siya sa pagkekwento.


"Ako, sigurado talaga ako sa chismis na 'to. Kasi ako 'yong nakakita. Napadaan lang ako kasi galing ako no'n sa library. Nag-ayos ako ng mga anik-anik doon."aniya pa. "Tapos nandoon sila sa dulo ng corridor 'te! Si Sir Zach 'tsaka si Miss Ari. Alam mo kung anong ginagawa?" Nilingon niya ang paligid, natatakot na may makarinig.


Napakurap-kurap ako at umayos ng upo. "Nagse-sex?"pabulong na tanong ko.


Nagdalawang tingin siya sa akin sa mangha dahil sa sinabi ko. Kumunot ang noo tapos sumabog ang tawa. "Anong sinasabi mo d'yan?" Hinampas niya ako at nagpatuloy siya sa pagtawa.


"Hula lang, e."natatawang sabi ko.


"Di ko maimagine na gagawin nila 'yon sa dulo ng corridor, ha! Grabe ka! Ang inosente ng mukha mo tapos ganyan kabilis ang utak mo-"



Uncontrollable Flame (Guineverial #2)Where stories live. Discover now