Chapter Fifteen

72 2 2
                                    

15 - Not Failure?

"Where do you think you're going?!" Dumagundong sa apat na sulok ang boses nito kaya napapiksi ako at mahigpit na napa-kapit sa damit ni Seiji.

Suminghap si Seiji at lakas loob na inilagay ako sa likod n'ya kahit maliit lamang s'ya na parang babae at mas malaki pa ako sa kanya." Kuya, hayaan mo ng maka-alis si Alex. Hindi mo s'yang p'wedeng ikulong lamang dito." Ang pagtatanggol sa akin ni Seiji at kita ko kung paano mandilim ang aura ni Seichi at matalim itong tumingin sa amin.

"Pag-aari ko na s'ya ngayon Seiji, kaya tumabi ka d'yan bago pa kita idamay dito." Madiing bigkas ni Seichi at nag-simula itong humakbang at bawat hakbang nito ay may halong awtoridad kaya hindi maiwasang mangatal ng kalamnan ko.

"Walang sa'yo! Kaya p'wede ba, palayain mo na si Alex dahil hindi n'ya kaya ang makulong dito!" Sigaw pabalik ni Seiji at inihakbang ako paatras. Napapikit ako. Hindi ko alam kung dapat bang h'wag na akong sumama kay Seiji upang hindi na sila mag-talo pa ni Seichi ngunit hindi ko iyon magawa dahil ayaw ko ng makulong ng matagal sa walang buhay na silid na ito.

"Simula ng tumungtong s'ya ay pag-mamay ari ko na s'ya, kaya tumabi ka diyan at ibigay mo na s'ya sa akin." May awtoridad na bigkas ni Seichi at ng maka-lapit ito sa amin ay s'ya namang mabilis nitong pag-hila sa akin mula sa likod ni Seiji dahilan para manlaki ang mata ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Seiji upang hindi ako tuluyang mahila ni Seichi.

"Ano ba! Bitawan mo s'ya, kuya!" Sigaw ni Seiji at hinila ako ng mahuna na nito ang pagkagulat dahil sa ginawang aks'yon ni Seichi.

"No! He's mine so fucking let him go!" Matigas na bigkas ni Seichi at mas hinila pa ako dahilan para mapapunta ako sa panig n'ya ngunit hindi naman ako binitawan ni Seiji, kaya para matulungan si Seiji ay hinila ko na rin ang kamay ko na hawak hawak ni Seichi.

"Kuya! Tumigil kana!" Ang sigaw ni Seiji at mas hinila pa ako. Tumulo ang pawis sa noo ko. Para akong nasa isang thug of war at ako ang lubid, sa tingin ko ay mahihiwalay na ang braso ko sa katawan ko dahil sa tindi nila maghilahan lalo na si Seichi na sobrang higpit pa ng kapit sa pulsuhan ko.

"No! Ikaw dapat ang tumigil dahil hindi maaaring umalis sa puder ko si Alex." Ganting sigaw ni Seichi at p'wersahan akong hinila ngunit lumaban ako at mas hinila pa ang sarili ko para makawala sa kanya at dahil sa tulong ni Seiji ay nagtagumpay akong maka-wala sa hawak ni Seichi, hindi nga lang maganda ang pagkakabagsak namin dahil parehas kaming lagapak sa sahig.

"Shit!" Mariing mura ni Seichi at hihilahin sana muli ako ngunit agad naagapan iyon ni Seiji dahil naka-tayo agad ito at tinabig ang katawan ni Seichi, hindi nito alintana na mas doble ang laki sa kanya ng kan'yang kambal.

"Tumigil kana kuya! Baka gusto mong i-sumbong kita kay grammy 'de at permanente ka na n'yang ipatapon sa Geunova!" Pabalag na sigaw ni Seiji dahilan para saglit na matigilan si Seichi at umayos ito ng tayo niya bago inis na ginulo ang buhok n'ya at inis itong suminghal.

"Ayos ka lang ba, alex? Tumayo kana d'yan." Malumanay na bigkas ni Seiji at inalalayan akong tumayo kaya napahinga ako ng malalim at dahan dahang tumayo habang naka-yuko. Ayaw kong makita ang mukha ni Seichi dahil sa tingin ko ay matatalim na tingin lamang ang pakakawalan nito sa akin.


"Iaalis ko na s'ya dito." Matigas na bigkas ni Seiji dahilan para muling suminghal si Seichi.

"Damn, fine! Just make sure na hinding hindi mo s'ya iiwan mag-isa, dahil dudukutin ko muli s'ya!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hereath (BXB) Where stories live. Discover now