Three

147K 4.4K 1.2K
                                    

LINDZZY

      

Naglalakad kami ni Jice ngayon patungong cafeteria. May baon naman ako, siya lang ang wala kaya't bibili na muna siya.

         

"Anong baon mo bru?" Tanong niya sa akin habang kapwa kami nakapila.

       

"Sarsyadong isda. Nasisira na kasi 'yong mga kamatis sa ref--- I mean sa bahay kaya ayon nalang ang iniluto ko," wika ko sa kanya saka ibinaling sa iba ang mga mata ko. Baka mahalata pa ako ni Jice. Hirap na hirap talaga akong magsinungaling.

       

Walang alam si Jice sa kung ano man ang sitwasyon ko ngayon. Walang alam si Jice na hindi na ako nakatira kina tiyang Naning, at mas lalong wala siyang alam na kasal na ako kay Sir Aeidan. Sa apat na taon naming magkaibigan ni Jice, ito pa lamang ang mga natatanging lihim na naitago ko sa kanya.

       

"Mabuti at hindi ka na binubungangaan ng tiyang at tiyong mong pinaglihi yata sa parrot," wika niya habang naghahanap ng kakainin sa menu. Mabuti at hindi na siya nakatingin sa akin.

        

"Wala naman na silang rason para pagsalitaan ako," tugon ko sa kanya.

       

Natapos makabili si Jice at ngayon ay patungo kami sa open auditorium para doon kumain. Ayaw ko kasing kumakain sa cafeteria gawa ng mga maraming mata na laging animo inuusig ang pagkatao ko.

      

Inilabas ko ang mga pagkain na baon ko at binuksan naman ni Jice ang mga orders niya.

    

"Yaaaaahhh! Jane si Sir Aeidan, oh!"

     

Agaran kaming napatingin ni Jice sa sigawan na iyon, at natagpuan namin si Aeidan na naglalakad patungo..... sa gawi namin? Hindi ko alam.

             

"J--Jice, lipat nalang tayo sa open field," mabilis kong pinagsasara ang binuksan kong mga baon ko.

        

"Aba baket?" Mataras na wika ni Jice. "Sila lang ba ang may karapatan na tumili-tili kay Sir Aeidan? Hala sige, makikitili tayo," kahit kailan talaga si Jice mahirap siyang pigilan dahil wala yata sa bokabularyo niya ang nagpapadaig.

      

"Tara na kasi," saka ko pinaglalagay sa paperbag ko ang mga tupperware.

      

"SIR AEIDAN!" Parang gusto ko biglang manliit nang biglaan niyang sinigawan si Aeidan na tila dito yata talaga ang tungo sa amin.

       

"Sira ka talaga Jice!" Bulong ko saka napayuko dahil bigla na lamang nagtama ang mga mata namin. "Mag-cr muna ako, bahala ka muna dyan," wika ko saka nagsimulang humakbang paalis.

        

"Ms. Sebastian," tila ako binuhusan ng nag-yeyelong tubig sa tigas ng tinig na iyon.

         

Lumingon ako at nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin. "Y--Yes Sir?"

       

"Go to my office now. Ikaw ang gusto ni Mrs. Lapid na ipapadala para sa SocSci fest," pirmi ang tonong wika niya sa akin.

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Where stories live. Discover now