Five

136K 3.7K 1K
                                    

LINDZZY

Ito ako ngayon at nakikipagpilitan kay Jice na makipagpalit siya sa akin ng makeup classes para sa trigo. Napakaswerte niya dahil puro BEED ang kasama niya samantalang ang akin nahalo sa mga CEA.

"Bakit kasi nagpahuli-huli kang bumunot?" Taas kilay na wika nito sa akin.

Ngumuso ako saka sumagot. "Alam mo naman ayokong nakikipagsiksikan sa maraming tao," pagpapaawa ko.

80+ students kasi kaming tinamaan ng makeup classes na iyon. Umattend kasi ng 3month seminar ang prof na 'yon sa labas ng bansa kaya ito kami ngayon, araw-araw may makeup classes sa kanya. Ang masama lamang sa schedule ko, bukod sa may kahalo, 7pm-8:30pm class ang akin. Makakagalitan na ako lalo ni Aeidan nito.

"Kahit na ba. Napakapalad ko dahil sa tuwing may klase kami, kasabay no'n ang klase ni Sir Aeidan sa ibang section sa katapat na room. Libre silay ka sana bru, mapait ka, e." Sinasagad niya pa ang pang-aasar sa akin talaga.

"Nakakainis ka na Jice!" Singhal ko sa kanya ngunit tinawanan lamang niya ako ng tinawanan.

"Joke lang ikaw naman. Gustong gusto ko talagang makipagpalit sa'yo, alam mo naman na push na push ako sa'yo kay Sir, kaso alam mo naman na may sakit si Mommy, 'di ba? Kapag gabi ako ang nakatokang magbantay sa kanya dahil papasok ng trabaho si kuya," malungkot na pahayag niya at doon ko naalalang stroke patient nga pala ang Mommy niya at ang Daddy niya naman ay sumakabilang bahay ayon sa kanya. Ang kuya Jico niya ang tumataguyod sa kanila.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya. "Kapag kailangan ng pambili ng gamot sasabihan mo ako, ha? Marami na akong naitatabi ngayon," turan ko na ikinangilid ng luha niya.

"Kaya hindi kita maipagpalit sa piso, pati na rin kapag may umaaway sa'yo gusto ko agad umbagan dahil hindi nila alam gaano ka kabuting tao," madramang turan niya na ikinailing ko lamang.

"Ang mga tao, nakakapagsalita sila ng mga hindi maganda sa isang tao dahil hindi nila ito kilala. Hindi ba ang mga aso tumatahol kapag may hindi pamilyar na taong lalapit sa kanila?" Sunod-sunod na pagtango ang ginawa niya.

"Kaya push talaga ako sa'yo para kay Sir Aeidan. Isipin mo, si Sir Aeidan gwapo, matalino, mabait, palangiti, wala kang maipipintas, ikaw naman ay maganda, matalino, mabait, hindi ka nga lang palakaibigan dahil ikaw ang inaayawan, pero perfect match na kayo."

Kung alam mo lang Jice, asawa ko na 'yang lalaking ipinapares mo sa akin.

Gusto ko sanang ituran ngunit hindi ko itinuloy. Ayoko rin na may maka alam na mag-asawa kami ni Aeidan dahil maaaring maging mali at masama ito sa mata ng iba kahit na pa nasa hustong gulang na kami.

"Sira ka. Hayaan mo, kapag nabihag ko si Sir, sisiguraduhin kong ikaw ang unang makakaalam," pagbibiro ko dahil baka mahalatang nagsisinungaling ako.

"Sinong bibihagin mo?" Tila nanginig ang lahat ng dapat manginig sa akin sa narinig kong tinig na iyon.

The Secretive Professor (Freezell #7) [Completed]Where stories live. Discover now