XVII

81 4 0
                                    

WARNING: Some scenes may be inappropriate or disturbing (animal abuse) to some readers. Read at your own risk.

"Takbo! Tumakbo ka hanggang gusto mo! Maabutan din kita!" Umaalingaw-ngaw ang boses niya sa buong lugar habang patuloy akong tumatakbo nang walang patutunguhan, makalayo lang sa kaniya.

I should have known. Sana sinunod ko ang instinct ko. Alam kong may kakaiba na simula palang. Masyado siyang maraming alam. Alam niya bawat kilos ko, bawat galaw ko. How come I didn't notice?

Hilam ng luha ang mukha ko habang patuloy akong tumatakbo papalayo. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili kahit na nanginginig na ako sa takot. I won't benefit anything by being scared. I need to be rational. Kailangan kong makaisip ng paraan para matakasan ang lalaking yun.

Sa hindi kalayuan ay may nakita akong dalawang eskinita. Tila nabuhayan ako ng loob. I just need to choose which direction to go. Kailangan kong makaligtas dito. Hindi niya ako pwedeng mahuli.

"Which way, Que?" hingal kong bulong sa sarili habang palapit nang palapit sa crossing. Nang marating ang pagitan ng dalawang eskinita ay mabilis kong nilingon ang likuran para siguraduhing hindi niya pa ako nasusundan.

Nang masigurong hindi niya pa natutunton ay agad akong tumakbo sa kaliwang eskinita at nakaramdam ng ginhawa nang makakita ng isang tumpok ng mga sako. Agad akong sumuot sa likuran ng mga ito, not minding the bad smell it emits. Ang mahalaga ay makalabas ako ng buhay rito.

Tinakpan ko ang bibig at pinigilan ang paghinga nang makita ko siyang naglalakad patungo sa direksyon ko habang maingay na kinakaladkad ang metal na tubong dala niya.

He scanned the whole place, searching for signs of me. Pakiramdam ko ay mapupugto na ang hininga ko habang hinihintay ang pag-alis niya.

Nang lumayo siya ay literal na nakahinga ako nang maluwang at naghintay ng ilang sandali bago nagpasiyang lumabas mula sa pinagtataguan ko.

It's too late for me to realize that it was a bad move. Huli na ang lahat para tumakbo nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. I stood there frozen.

"I told you, kahit saan ka magtago at kahit tumakbo ka pa nang tumakbo. Mahahanap at mahahanap kita."

Dahan-dahan akong umikot paharap sa kaniya. Hindi matanggap ng sistema ko ang nakangisi niyang mukha habang nakatingin sa'kin.

Standing in front of me is my living hell. This is the face of the demon.

The demon that I, once in my life, loved.

He was staring at me with a creepy smile plastered on his face.

"I told you to stay inside, ang tigas talaga ng ulo mo, love." Nanginginig ako habang nakatingin sa kaniya.

Automatic akong napaatras nang akma niya akong hahawakan sa pisngi. Agad na naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ng mas nakakatakot na ekspresyon.

Impit akong napasigaw nang bigla niyang hatakin ang buhok ko para mapalapit ako sa kaniya.

"May regalo ako sayo, love. Naisip ko kasi, baka nabo-boring ka na sa bahay natin kaya labas ka nang labas." Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa mukha niya.

Pilit niya akong kinaladkad pabalik sa pinanggalingan namin kanina.

"T-tama n-na, p-please, p-please! P-pakawalan m-mo n-na'ko!" pagmamakaawa ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

Baliw siya. Yun ang napagtanto ko sa loob ng tatlong araw ko rito kasama siya. May mga oras naman na mabait siya pero madalas talaga ang ganito.

"I have a surprise for you, love. I'm sure matutuwa ka sa dala ko. Maybe you feel lonely around here? Kaya nagdala ako ng makakasama mo," ani niya sa malambing na boses nang sandali kaming tumigil. Inayos niya ang nagulo kong buhok dala ng pananabunot niya.

"Be a good girl na kasi. 'Wag mo 'kong ginagalit, ayoko pa namang sinasaktan ka." Malumanay ang pagkakasabi niya noon pero mas nagdulot lang iyon ng takot sa sistema ko.

Hindi ko inakalang ang boses na dating nagbibigay sa'kin ng kilig ay magdudulot na ngayon ng sobra-sobrang takot sa sistema ko.

Naghinala na ako noon, pero binalewala ko iyon. How I wish I can go back to that time and change the course of things. Iiwas ako sa kaniya para hindi na umabot pa sa ganito.

"Let her go! Natatakot na siya sayo!" rinig kong saad niya.

Mabilis akong napalunok habang pinapanood siya. Ito na naman siya. He's talking to himself once again. Madalas itong mangyari, he keeps on telling himself to let me go pero sinasagot niya rin iyon ng hindi maari.

Kaninang umaga ko lang na-realize kung anong posibleng nangyayari sa kaniya. According to his symptoms, I believe that he's a DID patient. Dissociative identity disorder or multiple personality disorder.

At sa nakikita ko ay mabait ang host niya but his other personality is a criminal. The host keeps on trying to stop him from whatever he was doing but the other personality was too strong. Too strong for my liking.

"Shut up! Wala ka talagang kwenta! Kung hindi mo siya hinayaang makalabas ay hindi ko kailangang gawin sa kaniya 'to!" sigaw niya sa sarili bago ako hinarap nang nakangiti.

"Tara na, love. I'm so excited to give you my gift," excited na ani nito bago ako hinatak muli papasok ng bahay niya. Nanginginig ako habang pakaladkad na nakasunod sa kaniya.

What is it this time? Kahapon nagsabi siyang magluluto siya ng masarap para sa dinner naming dalawa. But before he set the table for us, he brought a dog with him and killed it in front of me! Halos bumaliktad ang sikmura ko nang makita kong dukutin at butasin niya ang tiyan ng kawawang aso gamit lang ang kamay niya.

He was all bloody but he keeps on laughing and smiling as if enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. I can still hear the painful wails of the poor dog as he leaves burning marks on the animal's skin with a heated rod.

Nang maglagay siya ng pagkain sa harapan ko pagkatapos ng ginawa niya ay hindi ko magawang sumubo, lalo na't nakupo siya sa harapan ko habang nababalot pa rin ng dugo.

Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang dapat kong asahan ngayon sa sorpresang sinasabi niya. Would it be another bloody animal?

Pero hindi ko inaasahan na ang aabutan ko'y walang malay na nakahandusay sa sahig.

"Did you like my surprise, love?" tuwang tuwa niyang tanong sa'kin habang nakatitig ako sa babaeng nasa sahig.

"J-jacque..."

He  (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant