XXIII

67 3 0
                                    

August 17, 2020 (The day Que was kidnapped)

'Daanan mo ko sa room?' Napangiti naman ako nang mabasa ko ang text message ni Que. Mabilis akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na tinukso-tukso pa ako.

"Baka naman kayo na talaga niyan?" panunukso ni Judy.

"I wish!" natatawa kong sagot sa kanila habang kumakaway palayo.

It's already almost dismissal kaya naman ay kakaunti na lang ang tao sa halls ng building. It was extremely quiet kaya naman rinig na rinig ko ang boses ni Que nang bigla siyang sumigaw. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa dulo ng hallway kung nasaan ang classroom niya.

"Lumayo ka sa'kin, Drake! Ano ba?! Let me go!" Agad na nandilim ang paningin ko nang makita kong nakapatong ang professor niya sa kaniya sa may teacher's table. Mabilis akong sumugod papasok ng kwarto at hinaklit ang lalaki palayo sa kaniya.

"Gago ka!" sigaw ko sabay suntok sa mukha niya.

"Trey! Trey! Tara na, please! Please! Umalis na tayo rito!" takot na takot na pagmamakaawa ni Que habang hinihila ako palabas ng classroom. Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya kaya naman ay nagpaubaya na lang ako.

"Umalis na tayo, Trey. Please!" pagmamakaawa niya at nagmamadali pang bumababa ng hagdan habang hatak-hatak ako.

"Your car? Where's your car, Trey?!" aligaga nitong sigaw sa'kin habang nililingon ang likod namin.

"Over here," ani ko at giniya siya kung saan naka-park ang sasakyan ko.

"Sumakay ka na, bilis!" utos niya na nagpalito sa'kin pero sinunod ko pa rin.

"What's happening?" tanong ko sa kaniya habang inii-start ko ang makina ng sasakyan, she was still frantically looking back every second.

"Are you okay? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalala kong tanong sa kanya nang mag-umpisa na namang tumulo ang mga luha niya.

"Please, Trey, drive ka na. Umalis na tayo dito."

Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago ko pinatakbo ang sasakyan palabas ng university.

"Are you alright?" nag-aalala kong tanong sa kaniya at inabot ko ang isang kamay niya. Her hands were icy cold, and it made me worry even more.

"Ano bang ginawa ng hayop na yun sayo?" galit kong tanong sa kaniya.

"He was my ex." Napaapak ako sa preno nang marinig ko ang sinabi niya. Mabuti na lang ay sa hindi mataong parte kami natigil.

"W-what?" Huminga muna siya nang malalim bago nilingon ang likuran namin at nang matantong wala namang nakasunod ay hinarap na niya ako.

Tears were falling on her face as she cried and told me her past history with that professor.

"Pero mali pa rin ang ginawa niyang pagtatangka sayo, Que," mariin kong saad, muling namumuhay sa alaala ang naabutang lagay nila kanina.

"Hindi mo naiintindihan, that guy is very violent. Ayokong madamay ka pa, Trey," umiiling niyang saad habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Hangga't nandito ako, hindi ka mahahawakan ng lalaking iyon, Que," pangako ko sa kaniya at marahan pa siyang hinila papalapit para mayakap. We were in that position nang biglang umuga ang sasakyan, kamuntikan na siyang masubsob dahil wala siyang suot na seatbelt. Mabuti na lang ay yakap-yakap ko siya.

Nang lingunin ko mula sa side mirror ay nakita ko na isang itim na Montero Sport ang bumangga sa likuran ng sasakyan ko.

"Wait here," bulong ko kay Que at binigyan pa ito ng magaang halik sa noo bago bumaba ng sasakyan.

Kasabay ng pagbaba ko ay ang pagbukas din ng driver's seat ng sasakyan at bumungad sa'kin ang galit na mukha ng propesor.

"Trey!" sigaw ni Que at nagmamadaling bumaba ng sasakyan nang makita ang makapal na tubong dala ng lalaki. Agad kong hinatak si Que papunta sa likuran ko.

"Stay back."

"Love." Agad kong naramdaman ang paghigpit ng kapit ng nanginginig na mga kamay ni Que sa damit ko nang magsalita ang lalaki at nag-umpisang maglakad papalapit sa'min habang gumagawa ng ingay ang metal pipe na dala niya.

Automatic akong napahakbang palikod habang hawak nang mahigpit ang mga kamay ni Que.

"Que," tawag ko sa mahinang boses pero sinigurado kong maririnig niya. "You need to run."

"No, we need to run," pagtatama niya sa sinabi ko pero umiling ako at muling tinignan ang distansya namin sa lalaking papalapit.

"No, maabutan niya lang tayo. You need to run, ask for help, and come back. I'll be okay," paliwanag ko sa kaniya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

"I can't leave you here, Trey!"

"You're not leaving me! Aalis ka para tumawag ng tulong, Que. Babalikan mo ako."

"I can't—"

*Run!" sigaw ko sa kaniya at dinumog ang professor na papalapit sa'min papunta sa sahig. He was about to hit us with his metal pipe.

"Alis na, Que!" sigaw ko sa kaniya. Halos makahinga naman ako nang maluwag nang makita ko siyang tumakbo palayo, yun nga lang ng harapin ko ang lalaki ay agad na tumama sa mukha ko ang mga kamao niya. Sandaling nandilim ang paningin ko dahil sa suntok niyang iyon ngunit pinilit kong makatayo.

"Que's mine! Akin lang! Sasaktan niyo lang siya! Ako lang ang totoong nagmamahal sa kaniya!" parang baliw nitong sigaw at bago pa man ako makaiwas ay sunod-sunod nang tumama sa katawan ko ang tubong bitbit niya.

Hindi ko alam kung kailan ako nawalan ng malay. I just woke up feeling pain all-over my body as I felt my hands being tied above me.

"Mabuti naman at gising ka na!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pliers na hawak niya, mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid at napag-alamang nasa loob ako ng isang bodega. Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaki na nag-uumpisa nang lumapit, sinuntok niya ako sa sikmura na naging dahilan ng pag-igik ko.

"Masakit ba?" nang-aasar nitong tanong habang pinapanood akong mamilipit sa sakit habang nakabitay pataas ang mga kamay ko.

"Kumain ka!" sigaw niya sabay saksak ng tinapay sa bibig ko. Sa gulat ko naman ay naibuga ko iyon lalo na't nakatikim na naman ako ng isang suntok sa sikmura mula sa kaniya.

"Ayaw mong kumain? Ano magpapakamatay ka sa gutom?!" nanggagalaiti niyang pahayag at muling isinalaksak sa bibig ko ang tinapay. Gustuhin ko mang makasagot ay hindi ko magawa nang maayos dahil sa pagkaing nakaharang sa bibig ko.

"I wanted to be the one to kill you. I wanted to give you a slow and painful death," he said smirking as he walked closer with the pliers on his hands once again. Pero sabay kaming natigilan nang makarinig kami ng pagkatumba ng kung ano mula sa labas.

Agad niyang pinatong ang pliers sa lamesa at kinuha ang bakal na tubong ginamit niya rin sa akin noong nakaraan. Maingat siyang naglakad papalapit sa may nakaawang na pintuan.

I heard a loud shriek after a moment before I heard a bark of laughter. Isang nakakapanindig balahibong tawa. Tumatawa pa rin siya nang bumalik siya sa loob at nakangiting humarap sa'kin.

"Let's play next time. Dito ka muna, mukhang may nakaka-miss na kay Que." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng babaeng mahal ko.

Was she caught? Dammit!

Pilit kong ibinuga ang tinapay na nakalagay sa bibig ko at galit siyang hinarap.

"Nasaan si Que?!" Tumawa lang siya sa'kin bago nandilim ang tingin niya.

"You don't have the right to say her name," ani niya bago muling nandilim ang paningin ko nang hampasin niya ako ng tubo sa ulo.

He  (COMPLETED)Where stories live. Discover now