Chapter 40

46.2K 577 87
                                    

Chapter 40

Vareen's Point of View


Maglalakad sana ako palayo ngunit huli na at nahabol niya agad ako. "Vareen..." Hinawakan niya ang braso ko para mapigilan ako. Nang makita niya na sinamaan ko ng tingin ang kamay niya ay agad niya din iyong tinanggal.


"Please... patawarin mo na kami." Nanlaki ang aking mga mata nang makita siyang lumuhod sa harapan ko. Nagsitinginan ang mga tao sa amin at ang iba ay nagsimula nang magbulung bulungan.


"Diba that's Oliver and Vareen?" narinig kong banggit ng isang babae.

"Oh my! Magp-propose na si Oliver!" may isa pang tumili sa kilig.


Ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang magvideo. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na ito. Syempre, wala silang alam! And everyone's thinking that Oliver's already proposing to me just because some shitty girl screamed it to everyone.


"Oliver, tumayo ka nga diyan." Mariin kong sabi sa kanya.


"Hindi ako tatayo hanggat di mo kami napapatawad." Pagmamaktol niya. Kinuha niya ang isa kong kamay na hinigit ko naman pabalik. Napasinghap ang mga tao sa paligid at lalong lumakas ang bulung-bulungan.


"Pakipot pa si Ate, kung ako yan, sasagutin ko kaagad." Rinig kong sabi mula sa aking likuran. Sorry siya, walang magp-propose sa kanya na Oliver o kamukha pa man niya.


"Vareen, lahat gagawin ko para maging okay lang ang lahat." He pleaded, and... yes, he's already crying.


Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi at tsaka huminga ng malalim.


"Gagawin mo ang lahat?" I asked na halos garalgal na ang boses.


"Oo, lahat."


"Stay away from me, and never look for me again." I told him.


"Vareen, hindi naman pwede 'yun. Ito na nga, babawi kami sa'yo. Please ipagawa mo na lahat, huwag lang ang layuan ka." This time ay tumayo na siya at niyakap ako ng mahigpit.


"Bitaw na." I whispered at sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko. "We're already getting too much attention, please Oliver, bitaw na." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.


"No. Vareen, hear me out first." Ayaw ko nang pakinggan ang sasabihin niya, kahit na mag-explain pa siya ay hindi pa din maaalis sa puso at isipan ko na niloko lang nila ako para maisakatuparan ang plano nila.


Masisisi niyo ba ako? Masakit ang pagkakasampal sa akin ng katotohanan eh, na kahit gusto kong makinig sa sasabihin niya ay hindi ko magawa dahil hirap na akong maniwala at hindi ko na alam kung maniniwala pa ako.


"No, Oliver. Ayaw ko na. Let me go." Buong lakas ko siyang itinulak at tsaka naglakad papalayo.

TRINITY (Completed)Where stories live. Discover now