#9

3.2K 55 1
                                    

Ara POV :

Tinext ko si Bang pero Hindi siya nag rereply baka tulog pa. Ngayon na kase kame aalis. Kaya naisipan kong sunduin ko nalang siya para sabay na kaming pumunta sa bahay nila kim, dun kase kami mag kikita kita para sabay sabay na. Medyo maaga pa naman. Inagahan ko na rin kasi alam kong tulog pa si bang. Hahaha.

" Tita. :) gising na po ba si Bang? " yung mama niya ulet yung nag bukas ng pinto.

" Oo. Nag bibihis na ata. Pasok ka muna. " talaga? Ang aga naman ata. Excited e. Haha. Naupo muna ko habang nag hihintay. Ilan sandali lang bumababa na si Bang. Para kong natulala sa sobrang Ganda niya.

" Vic. Aalis na ba tayo? " tanong niya. Sabay hawi ng buhok niya. Hu. Ganda talaga.

" Ah-Oo. May gagawin kapa ba? Akala ko kase natutulog kapa e hindi ka kase nag rereply. " Umupo siya sa tabi ko. Ang bango niya.

" Naliligo ako nung nag text ka. Ngayon ko lang nakita. Teka ang porma mo ah. Gwapo lang. " saad niya. Sabay ginulo niya yung buhok ko. Masaya lang kase sakanya nanggaling na gwapo ko. Haha. Kahit binibiro lang niya ko.

" Ano ba yan? Ginulo pa yung buhok ko. Alam ko naman yun e chaka Syempre kaylangan mas maporma mas mapogi kase ikaw yung pupuntahan ko, sayo ko pupunta e kaya kaylangan maayos. " sinasabe ko habang inaayos ko ying buhok ko na ginulo niya. Nginitian ko siya chaka tinataas yung dalawa kong kilay. Pinalo niya ko sa braso.

Girl Be Mine. ( Bang Pineda and Ara Galang - BaRa )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon