Bang POV :
Hilong hilo na ko sa kakaikot nitong si Vic. Hindi mapakali ang lolo mo.
" Huyy ! Pwede itigil mo na yan. Kanina pa ko nahihilo sayo e. Ano ba problema mo? " saad yun. Huminto naman siya. Tumayo ako chaka ko siya tinignan sa Mata.
" Anong problema? " tanong ko. Yung mukha niya parang natatakot na kinakabahan. Ewan.
" Kasi Bang. Ano kase.. " saad niya. Hindi niya maituloy.
" Ano? " pasagot na sana siya ng bigla may tumawag sa pangalan niya babae
" Vic.. " takbo siya kay Vic chaka niya niyakap. Hindi ko kilala yung babae.
" Hi ! Babe " saad pa nung babae. Babe? What? Sino ba tong panget na to. Nakatingin sakin yung babae. Si Vic naman hindi nag sasalita para iniintay niya kung Ano yung sasabihin ko.
" Babe. Pakilala mo naman ako sa kasama mo? " saad nung babae. Tumingin naman sakin si Vic.
" Ahh. Si Bang pala. Bang si Jazmin. " -Vic. Yun lang yung sinabe niya. Nakatingin siya sakin
" Hi ! Ikaw pala si Bang. Yung kasama ni Vic. Ahhhh. " - Jazmin. Bakit ako kilala nito. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Aba landi neto ah. Mas maganda pa ko sayo.
" Hi ! " saad ko. May isa pang taong sumigaw ngayon pangalan ko naman ang tinawag.
" Bang " nilingon namin siya. Si Chen. Pumunta din dito sinabe ko kasi sakanya na nasa Bora ko.