Chapter 43

21 3 0
                                    

Chapter 43

Nagising ako nang nakayakap si Renzo saakin. Wala na yung unan sa pagitan namin. Hinarap ko naman siya at tinitigan yung mukha niya. He's so handsome, I can't argue with that. He's so perfect. Nagulat naman ako nang dinilat niya yung mata niya.

"Good morning, Mon Amour." Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Are you done staring at me?" Nakangisi niya pang tanong saakin at kinurot ko siya sa ilong.

"You're so silly, Mon Amour!" Nakangiti kong sabi at ngumiti din siya.

"I love waking up next to you, Mon Amour. I can't wait to marry you and then waking up next to you every morning." Sabi niya pa at tinadtad ako nang halik sa buong mukha.

"Stop it Renzo, I'm hungry." Natatawa kong sabi sakanya pero di parin siya tumitigil.

"Edi bubusogin kita nang halik at pagmamahal ko." Sabi niya pa at natawa ako.

"Ang corny mo naman." Sabi ko naman sakanya habang tumatawa.

"Pero kinilig ka naman." Sabi niya naman at ngumisi.

"Hmm, anong masama dun? Bawal bang kiligin sa fiancé ko? O mas gusto mo na kiligin ako sa iba? Pili ka Renzo." Sabi ko pa sakanya.

"You're only mine, Estelle. Bawal kang kiligin sa iba dapat saakin lang."

"Ang tanong kinilig ba ako sayo?" Asar ko naman sakanya at kunot noo siyang tumingin saakin.

"But you just said kinilig ka saakin?" Tanong niya pa at bumangon na ako sa higaan.

"Diba, Estelle? Kinikilig ka naman saakin?" Sabi niya pa at sinusundan ako.

Pumunta ako nang bathroom at agad na sinaraduhan siya nang pinto. Ngumiti naman ako at binuksan ulit yung pinto. Nakita ko na nandun parin siya sa harap nang pintuan. Nagulat pa siya sa pagbukas nang pinto. Ngumiti ako sakanya.

"Of course, kinikilig ako sayo, Renzo my love." Sabi ko at sabay na hinalikan siya sa labi niya. Nanlaki pa yung mata niya sa ginawa ko at sinaraduhan ko na agad yung pinto.

Nang natapos nang mag shower ni Renzo ay kumain na kami sa restaurant sa baba at nag pack na nang gamit namin. Uuwi na kami papuntang Paris. Pupuntahan daw namin yung Palace Versailles pati yung Love locks sa Pont des Arts bridge.

Una daw namin pupuntahan yung Palace Versailles kasi mas malayo siya kesa sa Pont des Arts brige. Nasa Toulon-Hyères Airport na kami at sumakay na ulit kami nang Private chopper nila Renzo. Nang nasa Paris na kami ay bumyahe kami gamit ang sasakyan ni Renzo. Nang nakarating na kami sa Palace Versailles ay sobra ang mangha ko.

Napakalaki nang Palace! My gosh! May nag to-tour saamin sa buong Palace. Their ceiling has a painting on it and some carvings na gold siya. Grabe andaming Chandeliers!

Nakahawak si Renzo sa bewang ko habang sumusunod kami sa ibang mga turista. Yung iba namang turista na babae ay panay ang tingin kay Renzo at nagbubungan sabay tili. Like, oh my gosh? I'm here, duh! I'm his fiancé. Di niyo ba makita na nakahawak yung kamay niya sa bewang ko? Sapakin ko kayo jan, e! Tinitigan ko naman sila nang masama pero inirapan lang nila ako at tumili ulit. Di ko nalang sila pinansin dahil naiinis na din ako.

"Renzo, I think we should go to the Pont." Sabi ko naman sakanya habang nakahalukipkip.

"Why, Mon Amour? You don't like it here? I know you want to see Marie Antoinette's room." Sabi naman ni Renzo. Inirapan ko lang siya at bumuntong hininga.

"Fine, Do a funny face all the time. Or you can cover your face." Sabi ko naman at nagtaka naman siya saakin.

"Why would I do that? Is my face is too handsome that they can't handle it?" Tanong niya naman saakin habang nakangisi.

Chase me Renzo (Sacueza Girls Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now