Chapter 28

13.1K 416 5
                                    

Hindi nagtagal ang Mommy ni Kotaro at si Faye sa bahay ni Kotaro. Para lang silang bumisita saglit para bumuga ng apoy. Hindi pa rin mawala ang kaba sa akin kahit wala na sila sa paningin ko. First time kong makaharap ng sobrang yaman. At gaya sa telebisyon, gano’n din ang kanilang mga ugali. Mga class gumalaw. Hindi galawang kalye.

 Ngayon pa lang, ayaw na sa akin ng Mommy ni Kotaro. Well, halata naman. Ngunit hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ng lalaking ito. Maganda naman si Faye at tingin ko talaga ay bagay sila. Bukod doon, may past din sila na hindi ko alam. Hindi ko na lang aalamin dahil hindi naman ako Marites.

“Are you okay?”

Natauhan ako at napaayos ng upo nang biglang nagsalita si Kotaro. Nakatingin na siya sa akin nang binalingan ko siya kaya mas lalo akong nagulat.

“Uhm…”

Tinaasan niya ako ng kilay, inaabangan ang susunod ko na sasabihin.

Napalunok ako. “O-Okay lang ako. M-Medyo nanibaguhan lang at n-nagulat sa pangyayari.”

Bumuntonghininga siya. “Don’t mind them, especially my mom. She’s over-reacting and she likes Faye for me. That’s why.”

Tumango ako. “Okay lang. Grabe, akala ko sa mga telenobela ko lang makikita ang gano’n. Sa totoong buhay din pala.”

Niliitan niya ako ng mata. “Like what?”

“Mga gano’n. Yung ugali ng mommy mo kasi parang kontrabida.”

Natawa siya. “Really?”

Ngumuso ako. “Oo.”

At kadalasan sa mga gano'ng ugali, matsutsugi sa huling kabanata ng palabas.

Hindi na siya nagsalita at saka may sinenyasan na isang kasambahay na agad namang lumapit. Naiangat ko ang aking kilay nang makilala ko ito. Siya ang babae na ni-lock ko sa cr kanina.

“A-Ano po iyon, Sir?” nauutal niyang tanong at hindi pa makatingin sa akin.

“Debi, this is my wife, Venice,” pakilala ni Kotaro sa akin sa kanyang kasambahay. “Ikaw ang mag-aasikaso sa kanya kapag wala ako rito, okay? Tour her around the house.”

Napanguso ako at nagpalinga-linga. Ngayon ko lang na-realize na malaki pala ang bahay ni Kotaro. Para siyang palasyo. Ang layo kasi ng kisame. Parang pang three-story building.

“O-Okay po, Sir.”

“Wife…”

Napatingin ako kay Kotaro matapos banggitin iyon.

“Ano?”

“Tabi tayong matutulog,” seryoso niyang sambit.

Namilog ang mata ko. “Ano?!”

Umalingawngaw ang boses ko sa buong bahay dahil sa gulat. Pati ang ibang mga kasambahay na pokus sa kanilang ginagawa ay natigilan at napatingin sa akin.

Umangat ang gilid ng labi niya. “Is there a problem? You are my wife. It’s normal for us to sleep together.”

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko magawang magsalita.

“And besides, I am really sleepy. Kanina pa. My wife should take care of me.”

Napangiwi ako. Hindi ko alam pero feel ko nag-iinarte lang talaga ang Japayoki na ito. Feel ko, inaasar lang niya ako. Noong nasa bahay pa lang kami, hindi naman kami magkatabi!

“And I miss your kiss,” dagdag niya na siyang ikinapula ng pisngi ko.

“So bad,” aniya pa at kinagat niya ang ibaba niyang labi.

Pretending To Be The Billionaire's Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now