CHAPTER TWO √

129 24 27
                                    

KAILEIGH's POV

10 minutes ang biyahe bago kami nakarating ng school. Pagkababa namin ng jeep bumungad agad ang napakaraming istudyante na nasa labas ng main gate. Aishhh sabi na e late ako!

Nagpaalam na si Keito sa akin na pupunta na siya sa kabilang gate. Magkahiwalay kasi ang High School at College Student dito sa pinapasukan namin. Kaya heto na ako nag-iisa,nagdurusa! Chos.( ꈍᴗꈍ)

Grabe naman ito. Ang sabi sa schedule 8:30 daw ang pasok namin. Tinignan ko ang wrist watch ko. Nakatutok ang maliit na stick dun sa 8 at yung malaki naman ay 5,10,15,20,25,30,35---36,37. Wala kang pake aminin mo ganito kadin tumingin ng oras!

Hala! Bakit ang bilis naman 8:37 na. E nung umalis kami sa bahay 8:15 palang ah. Kung napapansin niyo nag-iisa ako ngayon. Opo wala po si Aenna. Dahil nakasanayan na niyang hindi pumasok ng first day, Hindi na siya naawa sakin. Biruin mong simula ng High School kami ganyan na siya. Tsk

Nasa isang sulok lang ako malapit sa gate, nakakabagot naman. Naisipan kong kunin ang cellphone ko at panoorin na Naman ang naudlot namin na pagmamahalan ni Ji Chang Wook pero syempre biro lang. Aasa pa ba ako. (╥﹏╥)

Habang busy ako sa panonood at ang ibang mga student naman ay busy sa pakikipaglandian at iba pa, naramdaman kong may tumabi sakin na nung una ay hindi ko pinansin dahil ang akala ko ay random student lang na walang mapwestuhan pero nagulat ako ng bigla niyang pindutin ang pause ng pinapanood ko kaya mabilis na napaangat ang ulo ko.
Biglang nanlaki ang mga singkit kong mata ng makita siya.

Nakangiti siya sakin na akala mo nakakita ng cute na pusa. Hehe Wala Lang gusto ko pusa e at saka... saka favorite niya pusa kaya favorite niya ako. Joke(◍•ᴗ•◍)

"O-Oh Hades ikaw pala, ikaw bigla-bigla ka nalang sumusulpot, Parang yung pagsulpot mo sa puso ko. Ehe!"sabay hawi ng buhok ko papunta sa likod ng kaliwang tenga ko.

"H-Huh? Ano ulit yun?"mukhang hindi niya narinig, buti naman.

"Ah ang sabi ko bakit mo pinouse itong pinapanood ko?"sabay angat ko ng cellphone papunta sa mukha niya, Napakamot naman siya sa batok niya saka muling ngumiti. Hayss bakit ba ngumingiti ka ng ganyan sa harap ko. Enebe kenekeleg eke Hades e.

(A/N: Tsk,Tsk,Tsk. Pabebe amp!🙄)

Pinatay ko nalang ang cellphone ko saka ko inilagay sa small pocket ng bagpack ko. Babalikan kita mamaya Wookie Oppa!

(A/N: K-drama is life Kaileigh ah, apir tayo dyan)

Ng matapos na sa wakas ang flag ceremony , pumasok na ang lahat ng istudyateng late at kasama na kami dun at nagpaalam na si Hades sakin. ಥ_ಥ

Hindi kasi kami parehas ng kinuhang course kaya ako na naman mag-isang naglalakad sa napahabang hallway.

Ng makarating ako sa pintuan kung saan ang room namin,sumilip muna ako ng bahagya sa loob, nakita ko ang mga I think classmates ko sila, Obvious Naman Kaileigh mag-isip ka nga!

Napaatras ako bahagya at tumingala sa taas ng pinto upang icheck kung tama ba ang napuntahan ko.

"Room #24, tama naman." napabuntong hininga muna ako malalim bago tuluyang ipasok ang kaliwa kong paa. Hinintay kong may magreact sa mga kaklase ko pero parang wala silang pakiaalam kaya nagkibit balikat nalang ako at tuluyan ko ng ipinasok ang buo kong pagkatao sa pintuan ng room namin.

"Akala ko pa naman titignan nila ---Ehh?"
(☉_☉)!

Pagkaharap ko sa kanila halos manlambot ang magkabila kong tuhod dahil sa mga nakakatakot na matang nakatingin sakin.
1-2-3...

"BAKI---" Hindi ko naituloy ang pagsigaw ko dahil sabay-sabay silang nag-alis ng tingin sakin. Hah! Tsk,Weird!ಠಿ_ಠ

Ipinaling ko ng tatlong beses ang ulo ko tsaka naglabas ng malalim na buntong hininga. "Ano ng nangyayari sayo Kaileigh! Tandaan mo first day palang ngayon." pakausap ko sa sarili ko saka ako naghanap na ng mauupuan.

Pumwesto ako sa first row pero bandang likuran dahil yun nalang ang bakanteng upuan bukod sa fourth row malapit sa basurahan. Ayoko dun magmumukha akong KAILEIGH THE LIVING GARBAGE!

(A/N: SPELL CORNY? K. A.I.L.E.I.G.H!=_=)

Si AUTHOR pakialamera, Tandaan mo kung walang KAILEIGH walang CORNY!

* * *

"Ok before we start I would like to introduce myself to all of you." maarteng sabi ng lalaki na nasa harapan namin. I think siya ang magiging adviser namin for this year. Tss. Bakit ganun, ahmm... Nevermind parang may mali kasi sa aura niya.

Tinignan ko siya mula ulo, hmm okay naman, sa katawan, maayos naman ang pananamit niya, dumako ang mga mata ko sa paanan niya. Kusang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang suot niyang SANDALS? At... At... Kulay pink with matching ribbon?.

(A/N: You can play the music in media while you're reading this)

"WHAT ARE YOU THINKING ABOUT MS.!!"

"Ayyy BARBIE!" gulat na sigaw ko. Kusang napatakip ako ng bibig sa nasabi ko. Narinig kong nagpipigil ng tawa ang iba kong kaklase kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napayuko nalang ako sa hiya.
"What are you talking about? Mukhang nasa ibang direksyon ang topic mo ah" mahina pero galit na sabi ng professor namin. Huhuhu Mama! Help!

" Please Stand up!!" Kanina mahina ang boses niya pero ngayon parang rinig sa buong building ang nanggagalaiting boses niya.

Nagsimula na naman manlambot ang magkabila kong tuhod pero pinilit kong tumayo ng maayos. Ano bayan Kaileigh unang araw mo palang may ginawa ka na agad kababalaghan.(;ŏ﹏ŏ)

"What's your name?" tumingin muna ako sa kanya at sinagot ng mahina ang tanong niya.

"K-Kaileigh Javier po" pagkasabi ko nun ngumiti siya. Huh? Ngumiti siya? Umiling ako ng dalawang beses at tumingin ulit sa kanya. I'm not imagining, It's real. Nakangiti nga siya. Pero bakit ganun ang weird ng mga nangyayari sakin ngayon. Anong meron? Sunod ba nito sisigaw siya at bibigyan niya ako ng first offense tapos paglilinisin niya ako ng Cr o kaya isang old classroom tapos may makakasama ako dun at Isa siyang gwapo at matipunong lalaki. Tapos habang nag-aalis ako ng agiw sa bubong at nakatapak ako sa isang monoblock, tapos bigla akong madudulas tapos--- tapos... sasaluhin niya ako. OMG!

"I like your ribbon Ms. Javier" naputol ang pag-iimagine ko sa sinabi niya.

"Huh? S-Sir ano po yun?" takang tanong ko.

"I said I LIKE YOUR HAIR CLIP RIBBON" napangiti ako ng pilit. Totoo ba'tong nangyayari na ito? Akala ko pa naman papagalitan niya ako. Handa na akong tanggapin ang first offense ko kaso parang naudlot yata.

"Anyway, Gusto ko rin ng Barbie noon kaso parang familiar at napakafamous na kaya I like ribbon for now on, look Ms. Javier twinning tayo" sabay taas niya ng kanan niyang paa para ipakita ang nakalagay na ribbon doon.

"Hehe Yes S-Sir." nagulat ako ng bahagya dahil nawala ang mga ngiti niya at kumunot ang kanyang mga kilay. Anong nasabi ko? May mali ba sa nasabi ko?

" Don't call me SIR! Okay you may now sit down Ms.Javier . I introduce myself now." mabilis akong umupo at tumingin sa harapan. Grabe hindi ako makapaniwala.

"Okay class. My name is Ace Ocampo, I don't wanna hear SIR OCAMPO, or Sir, just call me Madam Ocampo. Huwag na kayong magtanong kung bakit." nakataas ang kilay na sabi niya. Tahimik naman na nakikinig ang halos sa amin at ipinagpatuloy ang Paintroduce His/Himself niya.

Halos sabihin niya lahat ang tungkol sa kanya, kahit walang kwenta. ರ_ರ

Natapos siyang i-introduce ang sarili niya sakto naman breaktime na. Halos ikwento niya na ang buong pagkatao niya. Wala na siyang maitatago samin. Pero meron pinakatanong sa utak ko na kanina pa bumabagabag sakin. Ano kayang gamit niyang underwear? Undies kaya o Brodies?

O_o






Heyyyyyyy! It's Done. Hope you like my update, Heppp! Don't forget to Vote Cuties!
Love you.💋

A Deal With A Campus Heartthrob [ON GOING]Where stories live. Discover now