Chapter 17

337 30 50
                                    

"That's unfair! Don't tell me na sisiputin mo talaga 'yon?" galit na sabi ni Elyza nang sabihin sa kanya ni Jiro ang sitwasyon.

This caught Ryna and Laureen's attention so they immediately headed to our direction with those questioning eyes.

Tumaas ang boses ni Elyza habang nagpapaliwanag, "Ashriel's back! Gusto agad kausapin itong si Nyx!"

They had the same reaction as her. "Isang buwan, girl! Isang buwan siyang may chance para mag-explain tapos ngayon siya magpapakita?"

I know. I am painfully aware that it is really unfair on my part, but is it so bad that I actually want to run to him right now? I want to talk to him and see him. Kasi kung hindi, hindi ko na kakayanin.

"Hayaan mo na siya! If he really cared, he would have explained himself to you long ago!" Si Keann ay hinahawakan na sa balikat si Elyza para pakalmahin.

Tumingin ako kay Jiro na nananahimik. Pinapanood niya lang ako, hinihintay ang magiging desisyon ko. "I'm going to see him." I declared.

Siya lang ang kakampi sa akin ngayon.

I'm not sure if it's just my imagination but I caught a glimpse of pain from his eyes before he looked up, and then looked at me again. "Okay. I got it. If that's what you want."

"Nyx naman!" rinig kong sigaw ni Ryna habang naglalakad ako palayo. Mabilis ang lakad ng mga nanghihina kong mga paa papunta sa parking lot kung saan siya naghihintay.

May mga panaho na mabilis ang lakad ko, tapos biglang babagal dahil sa panghihina. Parang lumulutang ako.

This could be me thinking irrationally but I don't mind. Mamaya ko na haharapin ang disappointment ng iba sa gagawin ko.

If I end up getting hurt tonight, I'd be on the receiving end of Ryna's lecture but I'm ready for it. Just let me see him.

I paused for a bit dahil masyado nang mabilis ang takbo ng puso ko dahil sa kaba. Sa pananabik. Sa pangungulila.

Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Jiro, he held me by my elbow para tulungan akong manatiling nakatayo. "Madilim na, sisiguraduhin ko lang na maayos kang makakarating doon." he muttered before he flashed a gentle smile.

We reached the parking lot in no time. Iginala ko ang tingin ko sa paligid, desperately looking for him. My eyes were desperate to take a glance at him.

And there he is... leaning against his car with his head down. He is here. He is really here, right in front of me. I almost forgot what he looked like.

Sa bawat araw kasi na hindi siya nagpapakita sa akin ay unti-unting lumalabo ang imahe niya sa isip ko. Natatakot ako na dumating ang panahon na anino na lamang sa utak ko ang taong nagpasaya sa akin nang sobra.

Agad niya kaming napansin at nagtama ang tingin namin. There's something new about him but I can't really tell. His eyes looked at me with so much sadness that I can't comprehend all at one.

What happened to you in the past month, Ashriel? Bakit... bakit ka ganito?

I wanted to ask him pero bago pa man ako makapagsalita ay nasa harapan ko na siya at yumakap sa akin. Wala akong ginawa para pigilan siya.

"Pre, layo muna." Bahagya siyang itinulak ni Kenjiro at hinang-hina si Ashriel na nagpatianod doon. Tiningnan lang siya ni Ashriel, puno ng sakit ang mga mata. "Isang buwan kang wala. Care to explain?"

Akala ko ay magsisimula silang mag-away dahil sa tono ng pananalita ni Jiro, kaya ang mga sumunod na sinabi ni Ashriel ay nagpabigla sa akin.

"Jiro, I'm sorry. Please, please... iwanan mo muna kami."

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt