Kabanata -2-

55.3K 1K 25
                                    

"Are you alright, Baby?" naapangat ako ng tingin sa kanya habang bitbit ang tray ng pagkain namin. "Parang ang layo kasi ng iniisip mo since earlier." aniya at umupo sa harapan ko.

Napalunok ako ng laway at ngumiti sa kanya ng peke. "Yeah. I'm okay. Medyo may problema lang kasi sa shop." I lied at inayos ang food namin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang problemang pinasok ko just because of one stupid game.

"What about your shop? Akala ko ba ay maganda naman ang pagpapatakbo ni Anika dito. Bakit mo pinoproblema?" nagtatakang tanong nito.

Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa mga mata niya. Kitang kita ko kung paano nagtatanong ang mga ito. Gusto kong mag iwas ng tingin pero alam kong kukulitin niya lang ako hanggat di ako magtatapat sa kanya. Kakauwi niya lang galing business trip at ito ang sinalubong ko sa kanya.

"M-May problema ba tayo, Baby?" malungkot nitong tanong sakin. Nag iwas ako ng mata, ayokong maglihim sa kanya at ayoko siyang saktan sa aaminin ko pero natatakot ako. Natatakot akong sabihin sa kanya dahil baka kamuhian niya ako.

Inabot niya ang baba ko at hinawakan gamit ang hintuturo nito. "Look at me, Baby." pilit niya akong hiniharap sa kanya pero natatakot ako baka makita niya kung paano ako nasasaktan pagnakikita kong naghihirap ang kanyang mga mata.

Nanatili akong tahimik. "Tell me, Elisha, do we have a problem. Since I get back, you've been cold and distant. What happened when I'm away?" ang kulay abo nitong mata ay parang nagmamakaawa.

"I'm breaking up with you, Jacob." yumuko ako at humikbi, hindi ko maiwasan wag masaktan sa salitang lumabas mula sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nawawasak ang puso ko, literally. I could almost hear my heart break into pieces.

Napaawang ang labi nito at may isang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata niya. Tapos bigla nalang siyang tumawa, isang tawang hindi ko pa narinig sa kanya kailanman.

"Y-Your kidding right? Tell me this is one of your fucking game. Tell me baby it's just a lie." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito habang nagsasalita.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang makipaghiwalay. Dati kasi when I got into a relationship, love is just a game. I do boyfriends but I didn't go into serious one. But this one is different, I love him.

Umiling ako. "I'm sorry." yumuko ako at kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nalaglag ang panga nito sa ginawa ko.

"N-No. Take it back, Baby. W-What did I do that made you mad? Tell me, baby. What's wrong? Did I lose you just because I left? Fuck!" pumiyok ang boses nito sa huling salita, kinagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay dudugo na ito sa sobrang diin ng pagkagat ko.

"Excuse me." tumayo ako dahil hindi ko na kayang makita ang paghihirap niya. This is my fault because I agreed with that stupid game. I don't want to hurt him. I really do. But that guy scared me. He'll going to ruin my boyfriend's life, if I'm not going to marry him.

Hindi ko naman kasi alam na maimpluwensya pala siyang tao. I don't know why he really wants me to marry him. "Elisha!" tawag niya sa akin ng nasa pintuan na ako ng café kung saan kami nag uusap. 

Pero hindi ako lumingon dahil baka paglilingon ako ay baka hindi na ako aalis sa tabi niya. Agad akong sumakay sa kotse ko at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako sa dahil sa katangahang nagawa ko. Umiyak ako dahil sinaktan ko ang lalaking minamahal ko.

Biglang tumunog ang phone ko. Nang makita kong si Jacob ang tumatawag ay mas lalo akong napaiyak. He's been too good in our relationship. Kapag magkatampuhan kami he always the one who asked forgiveness, kahit pa na kasalanan ko. He is a perfect boyfriend but I choose to break his heart.

Unwanted ProposalTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang