Kabanata -3-

52.9K 792 7
                                    

Pagdating sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Gusto ko munang mapag isa kahit ngayon lang. Gusto kong makapag isip ng mga bagay bagay. Bakit napunta ako sa ganito ka komplikadong sitwasyon.

Siguro iisipin ng mga tao na nahihibang na ako dahil nagpadala ako sa banta sa akin ni Theon na sisirain niya ang buhay ni Jacob pag hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya. Mahal ko si Jacob kaya gagawin ko ang lahat wag lang masira ang buhay at pangarap niya. Kahit ang kapalit pa nito ay pagpapakasal sa isang stranger. Isang malaking kalokohan lang ang lahat pero napunta sa isang napakalaking problema.

Paano ko sasabihin sa parents ko ikakasal na ako pero hindi sa boyfriend ko? Huminga ako ng malalim at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala ang dahilan ng lahat. Ang araw na sana ay hindi ko nalang ginawa.

-

It was a typical saturday afternoon. Dalawang araw nang wala sa bansa ang boyfriend kong si Jacob dahil may mahalagang business trip sa Malaysia. Andito lang ako sa shop para alamin ang mga kailangan at kulang na mga paninda. May sarili akong manager pero gusto ko pa din na alamin mismo ang mga bagay-bagay.

"Hi, Couz." napaangat ako ng tingin mula sa ginagawa ko sa computer ko ng pumasok ang pinsan kong si Lilac. Ano naman kaya ang kailangan ng dance intructor na yan dito?

"Napadalaw ka. Wala ka bang klase?." tumayo ako para humalik sa kanya. Umupo din siya sa couch ng opisina. Naka fitted jeans siya at crop top kung saan kitang kita ang maputi at flat nitong tiyan. Sa aming lahat siya ang pinaka conscious pagdating sa healthy diet. Hindi siya mapili sa pagkain pero mostly ang kinakain niyan ay puro damo. Kaya ang ganda mg kutis at katawan.

"Nope. It's saturday remember. Inutusan ako ni Kuya Blue na sunduin ka para gumimik." aniya habang gumagalaw galaw ang kilay. Napangiwi ako. Gimik na naman?

"Busy ako." maikling sagot ko sa kanya ay tumayo para ipagtimpla siya ng maiinom. Narinig ko siyang umungol at naglakad papunta sa pastry kung saan gumagawa ako ng kape naming dalawa.

"Lagi ka nalang busy. Simula ng nagkaboyfriend ka wala ka nang oras para sa amin. Nakakatampo ka na, Alejandria." ungot nito habang nakanguso. Inismiran ko siya. Hindi naman kasi na nawawalan na ako ng oras sa lumalabas pa din naman ako pero iba na ngayon may boyfriend na ako na dapat bigyan din ng oras.

"Grabe ka. Sumama ako last week. Ikaw yung wala." sabi ko sa kanya at binigay ang caffé macchiato. Tinanggap niya ito at bumalik sa inupuan niya kanina. Inilapag niya ang kape niya at humarap sa akin.

"Busy din ako that time but this time I am free. Sige na sumama ka nna tutal wala naman yung boyfriend mo. Minsan lang naman 'to. Promise, after this di na kita kukulitin." nakangising sabi niya habang pinagsalikop ang dalawang palad.

"Please?" kumikislap ang mata niya na punong puno ng pag asa. Para siyang batang nag aantay mabigyan ng cotton candy. Nawala tuloy ang poised niya ssa ginagawa niya.

Huminga ako ng malalim. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kung tutuusin sa aming mag pipinsan ay siya itong di masyadong makulit pagdating sa akin. Ano kaya ang kapalit ng ginawa niyang ito. I know Lilac hindi basta basta yan papayag utusan ng walang kapalit.

"Fine."

Bigla niya nalang akong niyakap at pinugppg ng halik. "Oh my God. Thank you." bahagya ko siyang inilayo sa akin. Umiling iling nalang ako. Sa kabilang ng pagiging instructor niya ay di pa rin nawawala ang ugaling bubbly niya.

"Tell me, anong kapalit ng pagpayag ko." tanong ko. Ngumisi ito ng nakaloloko pagkatapos simsimin ang kape.

"Iphone6 plus." I rolled my eyes. "Sabi kasi ni Kuya pagnapapayag daw kita ngayon, bibilhan niya ako ng Iphone6 plus fresh from State." ngumisi ulit ito na para bang tuwang tuwa talaga sa mga nangyayari.

Unwanted ProposalWhere stories live. Discover now