14

362 21 7
                                    

Chapter 14: "US"

"Jin! Stop! Jin! YUJIN!"

Nabingi ako. At that point, all I can see is black and red. Napakaingay ng paligid, pero wala akong marinig kung hindi ang galit na boses sa aking isipan. May mga kamay na humihila sa akin, pero wala akong maramdaman kung hindi ang pangangati ng aking kamao. I punched that bastard as hard as I can.

"JIN ENOUGH!"

I gasped and stopped nang makita ko ang nag-aalala at takot na mukha ni Shainon sa aking harapan. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa aking magkabilang pisngi. At that point, doon ko lamang nakita ang lalaking hawak ko at ang kamao kong nabahiran na ng dugo nito.

Fuck, I messed up.

Pagod kong binitawan ang lalaki at lininga ang paningin sa paligid. Ang mga kaklase lang namin ang nasa malapit at ang ibang nang-uusisa ay hinaharangan nila. Tinataboy na nila ang mga tao at sinabing tapos na ang gulo. I closed my eyes at napahilot sa aking sentido. If Mom and Dad discovers about this, I'll be grounded.

"Ayos ka lang ba, Rachi?"

Napataas ang aking paningin sa likod ni Shine kung nasaan si Rachi na nakayakap sa sarili. Nakayuko lamang siya, hindi ko makita kung anong expresiyon na ang inilalabas niya. Naging napakabilis ng pangyayari. Nang makita kong binabastos si Rachi ng lalaki na iyon kanina ay naunahan na ako ng galit.

"Ayos ka lang ba, Jin? Hinanap namin kayo ni Chi at..." hindi na natapos pa ni Shainon ang sasabihin, kita ko ang labis na pag-aalala sa mukha niya.

I smiled at him to assure him na ayos na ako. He was worried, that alone made me happy. Hinapit ko siya at niyakap sa aking dibdib. I caressed his hair to ease his feelings. Alam kong bahagya siyang natakot sa akin. Kita ko iyong sa mga mata niya.

"Sorry, Shine. Sorry for showing you that side of me."

Naramdaman ko ang pag-iling niya sa aking dibdib. Tila sinasabi na ayos lamang iyon. Napahinga ako ng maluwag. I was nervous na baka layuan niya akong muli dahil sa pinakita kong ugali na ganoon.

"Chi, ayos ka lang ba? Nagulat na lamang kami paglabas namin at nagkakagulo na si Jin at ang lalaking iyon. Ano bang eksaktong ginawa sa iyo?" sabay kaming napatingin ni Shainon sa gawi nila Rachi.

Naunang lumapit si Shine sa kanila at tahimik naman akong sumunod sa likuran niya. Nakayuko pa rin si Rachi at tahimik. We can't even see what is his expression right now. Hindi rin namin alam kung ano na ang iniisip niya ngayon.

"M-mabuti pa siguro kung pumasok tayong muli sa restaurant. Pakalmahin muna natin si Rachi at gamutin ang mga pasa ni Jin sa mukha," suhestiyon ng isa naming kaklase at doon ko lamang nalaman na may lastro rin pala ako.

Bumalik kaming lahat sa restaurant na kabaitan naman ay nagpahiram ng kanilang first-aid sa amin. Shainon was the one who volunteered to tend on my injuries. Habang ginagamot niya ako ay panaka-naka naman ang silip ko sa pwesto nila Rachi na kinakausap noon ng mga kaklase namin. Tulala siya at tumatango o iling lamang sa mga  naririnig niya. I can help but grit my teeth.

"Mabuti na lamang at hindi ganoon karami ang pasa sa mukha mo, Jin. Mukhang mas kawawa ang lalaki na iyon sa iyo," Shainon suddenly opened up the same topic na ikinabalik ng paningin ko sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Mukhang nasobrahan ko nga yata."

"A-ano ba kasi ang eksaktong nangyari?" I saw so many questions on his eyes. He is looking straightly at me with those eyes and that's the moment I knew that I'm fucked up.

Natigilan ako. Now, how should I tell him? I was raged with anger because some man harassed Rachi? And I don't like that sight? Why? Because his body is mine?

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon