19

321 23 36
                                    

Chapter 19: Strangers

After what happened... hindi na kami nagpansinan pa ni Rachi. Actually, siya ang naunang umiwas. Pinanindigan niya ang sinabi niya na ayaw na niya talaga. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halo ang inis at dismaya. I felt like he betrayed me for leaving me like this.

Well damn, sino nga naman ang matutuwa sa pagiging makasarili ko?

"Okay! Tapos na ang Kikyo ni Inuyasha," sigaw ng nag-aayos sa aming lahat.

Ngumisi siya sa gawi ko na nakasandal sa may pinto habang naghihintay na matapos nilang ayusan si Shine. Napatayo ako nang tuwid, holding my breath while waiting for him to come out. Nang makita ko ang pares ng mga paa palabas sa likod ng kurtina, nagsimula na akong kabahan.

Damn.

"Wow! Perfect! Ikaw na ang pinakamagandang Kikyo na nakita ko!"

Mula sa mga paa, nalipat ang mga paningin ko paakyat sa kabuoan niya. My breath was taken away. Shainon is so beautiful. I'm swept away, enchanted by this man who got my heart since day one. Kahit pinagkaguluhan na siya ay hindi ko winala ang paningin sa kaniya. I'm beyond speechless.

"Ang ganda! Pahingi naman ng kaunting ganda, Shainon!"

"A-Ano ba kayo... nakakahiya," nahihiya talagang turan niya, pulang-pula na ang mukha.

"Totoo naman! Lalaki ka ba talaga? Kahit walang make-up, taob pa rin kami eh!"

"Mahaba na nga ang buhok, mas humaba pa."

Bahagya akong natawa noong hindi na niya alam ang isasagot sa mga pinagsasabi ng mga kaklase namin. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay nahugot ko ang aking hininga. Nakatingin siya sa'yo Jin, ngumiti ka.

I smiled and he smiled back. Mas pumula ang mga pisngi.

"Oh! Ang ganda ng karibal mo, Kagome!"

Halos sabay kaming lahat na napatingin sa pintuan kung saan at naroon si Raphy, kasunod niya si Rachi na nakabihis na rin. Tinignan ko ang kabuoan niya. My eyes narrowed on his skirt. Ganiyan ba kaikli ang skirt ni Kagome?

"Manahimik ka nga, Raph," suway niya sa kaibigan. "You look good, Shai."

"Chi!" Tumakbo si Shainon palapit dito, kapwa sila ay nakangiti sa isa't-isa. "Ang ganda mo rin."

"Nah. Walang-wala sa'yo, Shai."

"Naks, kumpleto na silang tatlo! Picture naman!" biglang sabi ng isa sa aming kaklase. "Sa gitna si Inuyasha."

Hindi na kami nakapigil pang tatlo noong pinagtulakan na nila kami para sa isang litrato. Ako ang nasa gitna, habang silang dalawa ay nasa magkabilang gilid ko. That was so awkward.

Pagkatapos nila kaming kuhaan tatlo, kinuhaan pa nila kami by partner. Sinabihan pa nga kaming umarte, kaso sinabi ko na ayaw ko. Good thing hindi na sila namilit pa. Malapit na rin kasing magsimula ang sports fest kung kaya mas naging busy na ang lahat. May napapansin lang din ako kanina pa.

Umalis ako mula sa pagsalubong ng mga nais pumasok sa café namin. Nagsimula na rin ang pila sa labas. Shainon was outside, magkasama kami. Kaso habang sumisilip ako sa loob ay may napapansin ako. Kung bakit kasi mas pinili niyang mag-serve ng inumin looking like that.

"Kahit lalaki ka, walang kaso sa akin," sabi ng isang senior.

My lips twitched. Hindi ko nagustuhan ang narinig.

"Sigurado ka ba riyan? Baka magsisi ka."

At sinakyan mo rin talaga, ha?

Tumigil ako sa likuran niya at sabay na napatingin sa gawi ko ang mga senior. Napansin din yata niya kung kaya ay lumingon din siya sa akin. Bumaba muna ang paningin ko sa expose niyang hita bago muling salubungin ang seryoso niyang mga mata.

"What are you doing?"

Sumipol ang isa sa mga senior. "Mukhang nagselos si Inuyasha. Kayo kasi, nilalandi niyo si Kagome."

Alam kong nagbibiro lang sila, pero mas nainis ako dahil doon. Imbes na pagtuonan sila ng pansin ay tinutok ko na lamang ang aking atensiyon kay Rachi. He's looking at me as if he's digging my soul. Nakaramdam ako ng ilang pero hindi ko iniwas ang paningin sa kaniya. I'm just waiting for his answer, but he never gave me even a word.

Nanlaki ang mga mata ko noong lampasan niya lang ako. Napako ang paningin ko sa kung saan ay nakatayo siya kanina. My lips parted, shocked by his stance. Did he just... ignore me?

"Ha!" Napabuga ako ng tawa. I can't believe this.

Napatingin sa akin ang lahat maging ang mga senior. Nagulat din yata sila pero naging awkward bigla ang paligid. I glared at them na sabay-sabay nilang ikinayuko. Napahiya ako! Fuck, Rachi!

Tumalikod ako roon, hindi na hinanap kung saan siya pumunta. Masama ang loob ko. Masamang-masama. How dare he ignore me like that? So pinaninindigan niya talaga ang sinabi niya na ayaw na niya? Hindi na niya ako gusto?

"Damn it," I whispered a curse.

Isang linggo magmula noong sinabi niya na ayaw na niya, hinayaan ko siya. Naisip ko na baka mainit lang ang ulo niya noong mga araw na iyon. Hindi kami nagpansinan hanggang ngayong sports fest, pero pinanindigan niya pala? So that's it? We can't have back our relationship before? Like we used to?

Relationship? Ano nga ba kami? Ano nga ba ang meron kami? Fuck buddies? Yeah, gaya nga ng sabi niya. Pero hindi lang ako, ginusto niya rin naman, ah? At the first place, he's the one who seduced me. Ngayon na pagod na siyang umasa, ayaw na niya?

Siguro nga, pinaasa ko rin siya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ayaw ko rin siyang bitawan noon. Every little things about him bothers me. I am pissed when he entertains someone lalo pa kapag nakikita ko na hinahawakan siya. Baka dahil nakikita ko si Shainon sa kaniya kung kaya ay nararamdaman ko iyon.

"Jin?"

I was stunned hearing Shainon's voice. Nakabalik na pala ako sa tabi niya. I smiled at him. Looking at his eyes, made me nervous. Tila ako ay nahuli niyang gumawa ng masama. Sinubukan kong kumalma para hindi na siya magtaka pa.

"A-ah sorry, ang dami kasing tao sa loob kaya natagalan ako."

White lies.

He smiled at me at nakahinga ako nang maluwag. Bahala na si Rachi sa kung ano ang gusto niya, Shainon is what matters to me now. I'll focus on him. I'll be patient. Kahit matagal bago ko makuha ang puso niya, ang buong siya, magtitiyaga ako. I don't need Rachi anymore to fullfill that. I'll do it. Mapapasakin din si Shainon.

Bahala na siya sa buhay niya. If being strangers is what Rachi wants now, then fine. I don't care anymore.

To. Be. Continue.

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon