KABANATA 4

1.5K 34 0
                                    

"Maganda at maaliwalas ang ating pan---“ ang pamatay niyang ngiti ay sumabit sa hangin ng sumapul ang kanyang paningin sa mga matang sing-itim ng kadiliman na taimtim na nakatutok sa kanya sa likod ng kamera. 

Ilang segundo siyang nawala sa sarili at natigilan sa ere sa nakakalokong pagngiti sa kanya ni Nigel na kumaway pa sa kanya. Litong napalingon siya kay Grace, ang kanyang PA o production assistant na sumesenyas na nasa on-air pa siya.

Nahimasmasan siya ng mabawi ang sarili at tinapos ang pagbabalita.

Nagbilang siya ng sampu bago binitawan ang nakakakiliti niyang mga ngiti at pinuntirya ng nanlilisik na mga mata si Nigel na tila dimonyong sinalubong ang kanyang inis. 

“Kaira, what happened there?” salubong ni Milo, ang bading nilang assistant director. “Bigla kang nawala sa ere, muntik nang matensyon si Direk kanina.”

“Not now, Milo.” Naiiritang iwas niya sa inis na inis na mukha at deadma pang dinaanan ito na parang walang nangyari.

Napaawang na lamang ang bibig ni Milo ng sundan siya nito tingin.

Narinig pa niya ang pagpalatak nito nang makitang hindi niya talaga ito hihintuan upang magpaliwanag. Pati mga staff and crew sa paligid ay hindi maitago ang pagkagulat sa mataray niyang pagkakasagot kay Milo dahil kilala kasi siyang isa sa pinaka-humble na celebrity na nakatrabaho ng mga ito. Ngunit hindi na niya alintana iyon.

“Ano ang ginagawa mo dito?” deretso niyang puntirya dito.

Ni ayaw niyang kumurap sa kaaliwasan ng mukha ng kaharap ngayon kahit pa sa gitna ng kanyang inis ay may kumakatok na pagkasabik sa kanyang dibdib na muli itong makita na kanyang pilit na isinasantabi.

Nahagip sa sulok ng kanyang mata na napakamot na lamang sa batok si Milo na nakuha kung bakit nawala siya sa sarili kanina at napailing na um-exit na lang. Lalong napangitngit si Kaira sa maaaring iniisip ng mga kasamahan ngayon sa kanya.

Napangiti ng malapad si Nigel ng salubungin siya nito sa kabila ng iritasyon sa kanyang mukha. Sing-yabang ng bagyong habagat at napakamalisyosong napadako kaagad ang tingin sa kanyang dibdib bagama’t pormal ang kanyang suot na damit at nakatago ang dapat itago. 

Parang gustong mapaurong ni Kaira ngunit napasugod na siya ng hindi mataktikang nag-iisip muna.

“What do you think I’m here for?” napaangat ang isang kilay nito sa nang-iinis na paraan. 

“If you are going to apologize then you are wasting your arrogant breath.” Naningkit ang mga matang sabi niya na nakapagkit sa utak ang huling naganap sa kanila. “Umalis ka na or I’ll call the guards.” Matigas niyang pagbabanta sa nagmamalaking tono. Teritoryo yata niya itong pinasok nito ngayon.

Umangat lang ang isang gilid ng labi ni Nigel habang tila inaantok na tinitimbang kung totoong galit siya o hindi. Nasa malikot na mga mata nito ang pagkabagot na ikinakunot ng noo ni Kaira. Pakiramdam niya ay nainsulto na naman siya sa tingin pa lang nito. 

Why, no man has ever been bored looking at her?

“Tingin mo ikaw ang ipinunta ko dito?” tila nanggigilalas ito sa kanya.

Natameme siyang bigla. Ano at sino ang ipinunta nito dito?

“Omigosh, Nigel!” narinig niyang tili ng maarte nilang anchorwoman na kalalabas lang galing sa dressing room.

Talagang nasorpresa na si Kaira. At higit pang nasorpresa ng bitawan ni Nigel ang pinaka-espesyal yata nitong ngiti. Napaawang ng tuluyan ang bibig niya sa naramdamang panliliit.

ANG HANGIN AT ANG BUHAWITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon