Chapter 1: Simbang Gabi

146 18 0
                                    

Luna's Point of View...

It was almost 5 in the morning kaya bumangon na ako sa kama ko. I just wash my face in my bathroom saka lumabas nang kwarto ko. Lagi ko na lang nauunahan yung alarm ko sa pag gising.

Agad naman akong sumilip sa bintana at hindi pa lubos na sumisikat yung araw pero syempre babangon na ako agad para sa unang simbang gabi. Actually simbang umaga talaga dito sa lugar namin pero gets niyo naman na siguro yun. Taon taon ko na rin naka-sanay na kinu-kumpleto ang bawat simbang gabi.

At dahil mukhang tulog pa sila Mama kaya lumabas na ako diretso palabas nang bahay namin saka pumunta sa tapat nang bahay nila Eli saka nag doorbell.

"Coming!" Sigaw ni Eli mula sa loob nang bahay nila, naupo naman ako sa gater nang kalsada sa tapat nang bahay nila Eli. Kahit malayo gate nila sa main door nila rinig ang bunganga ni Eli kahit kelan.

It's kinda cold here outside, the christmas lights of the neighborhood in each house shines, Christmas is approaching as well as the new year.

I heard the gates open kaya tumayo na ako saka humarap kay Eli, naka pajama pa, pareho kami.

"Let's g- oh my, 'di ka ba marunong manuklay?" Tanong ni Eli nang makaharap ako sa kanya.

"Im too lazy to comb my hair, i just wash my face and go straight to your house when i wake up" wika ko saka kami nag umpisang mag lakad papunta sa village's Church. Habang nag lalakad tamang suklay naman alo sa hanggang bewang kong buhok na ang hirap suklayan gamit ang daliri.

"Pang ilang simba na natin to?" Tanong niya, napatingin naman ako sa kanya bago sumagot.

"Una pa lang 'wag kang ano jan..." Sabi ko sa kanya, pinag sasabi niya, ngayon pa lang nag umpisa yung simbang gabi, should we call that 'Gabi' eh madaling araw ginaganap ang simbang 'Gabi' dito sa lugar namin.

"Mag sisimba kaya sila Zeb?" Tanong niya, referring to our 'other' friend

"Who knows, baka mag-simba. Saka si Sandra asan?" Tanong ko rin sa kanya. Baka magtampo na naman yung kapre na babae na yun, sabihing hindi namin siya dinaan sa bahay nila.

"Dadaanan pa ba natin yun?" Tanong niya. "'Wag na, siya ang chairman dapat na na-u-una siya satin sa simbahan!" Sigaw niya kaya tinakpan ko agad yung bibigay niya.

"Aware ka naman siguro na madaling araw ngayon 'di ba? 'Wag kang sumigaw punyeta" sabi ko pero tinawanan niya lang ako saka kami uli nag patuloy sa pag lalakad hanggang sa nakasalubong na namin si Marvin.

"Saan lakad?" Tanong ni Eli kay Marvin saka sumabay saming maglakad, mukhang aalis si Marvin dahil naka porma ito, habang kami ni Eli nakapantulog pa.

"Saan ka pupunta aga aga mong naka polo?" Tanong ko rin, inayos naman ni Marvin suot niya kaya natawa kami ni Eli, hindi bagay sa kanya.

"Hindi kami dito magpa-pasko, mamayang 8 may flight kami, maaga na rin ako gumising since unang simba saka para hindi na rin ako mag ayos mamaya". Explain samin ni Marvin. As usual 'di na naman sila dito mag papasko at bagong taon.

Halos Every year nag out of the country sila para mag pasko.

"Iba talaga Christmas mo eh no? White Christmas? Kami dito tamang bilad sa araw" sabi ni Eli. Sakto lang din pag pasok namin nang gate nang simbahan ay onti pa lang ang tao.

"At bakit ngayon lang kayo, sabi ko 4:30 call time ah!" Salubong ni Sandra samin. Nakatayo lang siya sa gilid nung bell na malaki kasama yung iba pa naming kaibigan.

"Buti 'di natin dinaan yan" bulong ni Eli sakin kaya siniko ko siya.

"Hindi naman sila server kaya hayaan mo silang ma-late, wala rin naman silang gagawin dito kahit 4:30 sila pumunta" sabi ni Marvin, bago pa siya umupo sa loob tinarayan niya pa si Sandra.

The Dreamers : The First Dream Book 1Where stories live. Discover now