Chapter Twenty Eight

324 15 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

"Ninang Genesis...."

"Ninang...."

"Ninang, are you okay?"

Bumuntong hininga ako at hinilot ang sentido ko

"Ninang!"

Napalingon ako sa gilid ko "Yes, Silver?"

"I've been calling you for so many times po but you're tulala"

"Sorry medyo inaantok pa kasi ako eh"

"I'll be back nalang po later. You rest first, Ninang para hindi ka na tulala po. Bye Ninang" sabi nya at lumabas ng kwartong tinutuluyan ko

Sumandal ako sa kinauupuan ko at binuksan ang box na hawak ko. Dinampot ko ang sobre at kinuha ang sulat sa loob

'Give me that book, Genesis Angeles'-S.J

What the hell is that book and where the hell is it?

"Death threats?"

Napaangat ang tingin ko at umiling "A reminder" sabi ko at pinasok ang sulat saka sinara ang box

Umupo sya sa kama at nginitian ako "I'm sorry about Mom"

"Sorry too" sabi ko at tipid syang nginitian

"Noon pa man, may kutob na ako na may mali sa pamilya namin. Masakit pala talaga malaman ang katotohanan..." nakayukong sabi nya "Pano mo nakayanan yun?"

Kumunot ang noo ko "Ano yun?"

"The pain...you lost your family, your Dad cheated and yet your fighting to live. Pano mo nakakayanan na makita kami kahit na ang sakit sakit ng naranasan mo dahil samin?"

Napatitig ako sa kanya. She's pain indeed but I'm still angry "We can feel the pain physically and that's bearable but the pain inside our heart is different. Yes, it's bearable too kaso ito yung klase ng sakit na nag-iiwan ng sugat na malalim na sinasaktan ka ng paulit-ulit. Araw-araw dala, hindi mawawala kahit anong pilit mo. Ito ang klase ng sakit na nakakapagpabago ng ugali ng tao. Iyon ang sakit na nararamdaman ko ngayon"

"It change you"

It does. This pain wins. The anger and hatred consumed my body. I don't know if can get back to the old 'me'

Bumuntong hininga ako at pinikit ang mata ko

"Aalis na ako. Aakyat kita ng lunch"

Hindi ko sya sinagot o kahit tanguan man lang, hindi ko ginawa. Rinig mo ang yabag nya papalayo

Sa loob ng dalawang araw na pananatili ko sa bahay ni Lucas, pakiramdam ko nakakulong ako. At ang silid na 'to ang tanging lugar kung saan malaya ako

Kinakausap ako pero hindi ko maiwasan na mainis at napagtataasan ko pa sila ng boses. Nahihirapan akong kontrolin ang emosyon ko lalo na kapag sila Simon ang kausap ko

Bigla akong nakarinig ng pagsara ng pinto at paglock nun kaya napamulat ako

"Where's the book?"

Savier Jackson......

SIMON'S POV

"How's she?" tanong ni Kate kay Stef na kabababa lang mula sa kwarto ni Genesis

"Still the same. Silent but good thing, she's calm"

"That's better" mahinang sabi ko

Dalawang araw na syang ganyan. She's still adjusting...

*blag*

"SIMONNNNN!"

Napatakbo ako paakyat at sinubukang buksan ang pinto ng kwarto ni Genesis. Sinipa ko ang doorknob para masira yun at agad na tinulak ang pinto

Nilapitan ko si Genesis na nakaupo sa sahig at niyakap sya "Shhh....what happened here?"

Ang gulo ng kwarto nya

"S-savier J-jack...son...."

"Damn! She's not safe here!" inis na sabi ko sa kanila

Kumalas sya sakin at bumuntong hininga "He's looking for a book"

"What book?" kunot noong tanong ko

Napailing sya "I don't know...pero may kutob ako"

"Anong kutob?"

May inabot syang papel

'The truth behind. The book is the key'-S.J

Kumunot ang noo ko "Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko

"That book is important. I think, it's in Dad's office"

"Sa bahay nyo?" tumango sya "You're still not okay...baka kapag bumalik tayo dun---"

"I'm fine. I need to find that book"

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now