Chaprer Forty Two

267 12 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

"BALAK NYO ba akong bulukin dito? Dalawang araw na akong buryong buryo ah" naiinis na reklamo ko

Mula magising ako ayaw na akong palabasin ng bahay. Akala ko si Simon at Lucas ang OA. Bakit lahat na sila tsk!

"Genesis, bumabalik palang ang lakas mo"

Tinignan ko ng masama si Aaron "Lumayas ka nga, isa ka din eh"

"But you're not yet okay baka mabinat ka---"

"Wag mo akong daanin sa pagiging doktor mo patatanggalan kita ng lisensya"

"Hey Cyrille Genesis, Tito mo parin ako---"

"Oh eh ano ngayon? Maka-Tito ka, tatlong taon lang ang tanda mo samin uy"

"Listen to him, Genesis" sabi ni Kuya John

"Isa ka din eh, isama mo na yang kapatid mo at Tito mo. Lumayas kayo naiirita ako"

Langya! Daig ko pa preso, rehas na bakal lang ang kulang amp!

Nilingon ko si Lucas na kanina pa tahimik, kahapon pa actually. Gusto rin nito dumakdak eh, sigurado ako dun

"Anong sasabihin mo?" diretsyong tanong ko pero tinignan nya lang ako "Dahil sa plano ko..."

Malakas syang bumuntong hininga at sinenyasan sila na lumabas saka nya ako tinignan pagkalabas nilang lahat

"You think...it will work right?" napayuko ako at nilaro-laro ang daliri ko "Now look what happened!" napaigtad ako sa lakas ng boses nya

"Genesis, you should've think wisely! Pano kung may nangyari sayo na higit pa dyan?! I'm so fucking worried when your brothers told me about that stupid plan of yours!"

Galit na galit sya huhuhu. Napasimangot ako "Sorry na" tanging sabi ko at nanggilid ang mga luha

"Damn it! You should have inform me, Genesis! Then sorry lang? You think, it's that easy!"

Sorry na ayaw pa huhuhuhu

"ANSWER ME!"

Napatalon ako sa gulat at nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ayoko syang tignan, galit sya eh. Baka magalit lalo

Ramdam ko na naupo sya sa tabi ko at niyakap ako "I'm sorry, baby. I'm just worried. I'm sorry for shouting at you, I didn't mean it"

Niyakap ko sya pabalik at binaon ang mukha sa dibdib nya "Sorry r-rin, g-gusto ko l-lang naman malaman kung saan yung k-kuta nila eh"

Natatakot ako na magalit sya ulit sya, ayokong magalit sya sakin

"Hush now, you need to rest"

Pinunasan ko ang luha ko at tinignan sya "Hindi ka na galit"

"I'm worried not angry"

"Nandito na ako, Lucas. I'm fine, wag ka nang mag-alala"

Tinignan ako ng masama na kinangiti ko "Inaantok na ako" sabi ko at umayos ng higa

Hinalikan nya ako sa noo at sa labi "I'll be in my room if you need me"

Tumango ako at hinila ang batok nya. Hinalikan sya at agad syang tumugon. I missed him so much

Hinila nya ang kumot na tumatakip sa katawan ko at pinaibabawan ako. Mabilis na pumasok ang mga kamay nya sa loob bg sando na suot ko at minasahe ang dibdib ko

Nakagat ko ang ibabang labi nya ng pinisil nya yun at binaon nya ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang mabilis na paghinga nya at niyakap ako ng mahigpit

"I wanna do a lot of bad things with you but not now...."

Nilayo ko ang mukhanta sakin at hinalikan sya sa noo "I love you, Lucas"

"Can I sleep beside you?"

Tumango ako bigla sagot at nahiga sya sa tabi ko. Niyakap nya ang bewang ko at pinaunan ako sa dibdib nya

"Good night, Genesis. I love you"

Pinikit ko ang mga mata ko at napangiti

MIGUEL'S POV

"What are we gonna talk about?" diretsyong tanong ni Lucas ng marating namin ang opisina nya

"Bro, alam mo naman siguro na pinsan kita diba at kapatid ko si Genesis?" tanong ko

Bakit nga ba hindi ko naisip ito nung una? Halata naman sa kanilang dalawa na may relasyon sila pero bakit nawala sa isip ko na magpinsan sila?

Kumunot ang noo ni Lucas "Get straight to the point, Miguel.What are you pointing out?"

"Pinsan mo rin si Genesis...." pahinang sabi ko at bumuntong hininga "Kapatid ko, magpinsan kayo"

"You think so?" walang reaksyong sabi nya na parang hindi manlang nagulat sa bombang pinasabog ko sa harapan nya

Kumunot ang noo ko at takang tinignan sya dahil sa naging reaksyon nyang iyon

Naglabas sya ng folder mula sa drawer ng table nya at inabot yun sakin "Read this then clear your mind" tanging sabi nya at iniwan ako dun

Tinitigan ko ang folder na yun saka binuksan. Wala sa sariling napaupo ako matapos kong basahin ang nilalaman nun

Owned By The DevilOnde histórias criam vida. Descubra agora