Chapter 17

2K 91 4
                                    

[ CHAPTER 17: HUMAN TESTER. ]

Dave's POV


"ASAAN SI SECRETARY SHION?!" sigaw ng isang babae sa labas na naging dahilan para mapabalikwas kami ng bangon.

Napatingin ako sa wrist watch ko, 4:15 pa lang ng madaling araw, so it means 'bloody night' parin!

Napatingin ako sa gilid ko at wala sa tabi ko sila Ace at Nazzer! Asan sila?!

Lumabas ako ng tent at naabutan ko sila Jerome na nasa labas din at halatang hindi mapakali. " Sino ang babaeng yan?" Tanong ko kay Jerome.

" Wala akong idea" tipid na sagot saakin nito.

Nawindang kaming lahat ng makita naming biglang hinatak nung babae  si Zein palabas ng tent.

SHIT!

Si Zein naman kasi,  Bakit pa ba kasi siya sumilip sa tent!

Haist!

Curiosity hits her again!!!!

" Ikaw dapat ang nasa posisyon ko ngayon secretary Zein Shion!" Sambit nung babae kay Zein habang may nakatutok na dagger sa leeg ni Zein.

Nakita ko na nakatulala lang si Zein at namumugto na ang mga luha sa kanyang mga mata.

Hindi namin alam kung ano ba ang nasa isip nya ngayon. Hinanap nila Matt at Raze sila Ace at  hindi namin alam kung saan sila nagtungo, basta ang alam ko lang hindi gugustuhin ng babaeng ito makita at maabutan siya ni Ace na ginagawa ito sa babaeng mahal niya!



Zein's POV

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa nangyayari!

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng babaeng  ito!

Hindi ko alam kung ano ba ang kanyang tinutukoy!

Ako dapat? Bakit? Ano bang ibig nyang sabihin?

"B- bakit ako?" Sa wakas at meron ding boses na lumas galing sa bibig ko.

"Hindi mo alam secretary Shion" bakas ang iritasyon sa pananalita nito at base sa tono ng kanyang pananalita hindi patanong ang sinabi niya. "Baka naman nagtatanga tangahan ka lang! O dikaya nagmamaang maangan na walang alam o naaalala!" Dugtong pa niya dahilan para kumunot ang noo ko

"Wala akong alam sa sinasabi mo" kinakabahang sagot ko sakanya.

Kahit anong gawing isip ko diko alam kung ano ba ang tinutukoy niya.

" Sinungaling!" Sigaw niya saakin bago niya ako  iharap sakanya na naging dahilan upang makita ko kung paano manlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin.

Bigla niyang tinanggal ang hood sa ulo niya at nabigla ako sa nakita ko, lapnos ang kalahati ng kanyang mukha.

Parang yung babaeng nakita ko nung newbie pa lang kami dito sa Hell University.

Pero yung babaeng yun nagkaganon ang mukha dahil isa siyang human tester!

Don't tell me!!!

"Oh ano dimo parin alam?" Sarkastikong tanong saakin ng babaeng  kaharap ko ngayon.

"P-paano?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

Bigla niyang hinila ang buhok ko at muling tinutukan ng dagger sa leeg, pero sa pagkakataong ito madiin na ang pagkakatutok niya sa leeg ko dahilan para dumugo ito.

Tila ba'y napako na ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang manlaban.

Isa siyang human tester!

Paano?

Bakit?!

Nakita ko na lang na nakahandusay na siya sa lupa, dahil sa dagger na binato ni Ace at tumama sa kanyang batok.

Hindi parin ako makagalaw at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga pangyayari.

Naramdaman ko na lang na bigla akong niyakap ni Ace ng mahigpit, mas lalo siyang nagalit nung magmarka ang dagger na itinutok nung lalaki kanina sa leeg ko.

"I-ikaw ang kailangan niya" ang huling katagang narinig ko na sinabi nya bago sya tuluyan malagutan ng hininga.

Samantalang dahil sa nangyari ay para akong mauubusan ng hangin sa katawan at unti unti kong maramdaman ang panghihina ng tuhod ko at pag bigat ng aking mga talukap, Basta ang alam ko na lang ay may sumalo saakin bago ako tuluyan mawalan ng malay.









Hindi ko alam ang nangyari sa paligid ko, nagising na lang ako na nandito na ako sa clinic.

Nakita ko si Ace na natutulog sa gilid ko, hinawakan ko ang mga buhok nya at hinimas iyon dahilan para magising siya.

"Hey darling are you alright?" Tanong nya saakin na halata mo talaga na nag aalala siya saakin.

"Oo naman, ayos lang ako" sagot ko sakanya at marahang ngumiti upang hindi na siya mag alala pa.

"Im sorry darling" Malungkot na wika ni Ace.

Napakunot naman ang noo ko at wala akong alam kung bakit siya humihingi ng sorry saakin.

"For what?" Nagtataka na tanong ko sakanya.

"Kasi wala ako sa tabi mo ng mga oras nayun darling. I'm really sorry." Saad pa ni Ace dahilan para mapangiti ako sakanya.

Umalis sya kanina dahil may inasikaso lang siya saglit. Wala akong idea kung ano ang aasikasuhin niya, but I trust him!. 

Medyo OA siya sa part na yun, pero namiss ko din yung pagka OA niya na yan, nagiging busy na kasi kami sa mga tungkulin namin kaya di nanamin halos naasikaso ang isat isa.

Slight lang naman.

Nginitian ko lang siya at hinila ang damit niya tsaka niyakap ng mahigpit, nabigla siya sa ginawa ko dahil sobrang lakas talaga ng pagkakahila ko sakanya.

Nakita ko naman ang mahina niyang paghinga sabay yakap narin saakin. Ngumiti na lang ako dahil alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat ng bagay hanggat nandyan sya.

"I love you darling" bulong ko sa kanya

" I love you more, and I will always love you. Forever" sagot naman niya saakin.

Im still Falling for this man!

Kakayanin ko ang lahat para sakanya. Sa laban natoh sisiguraduhin namin na mananalo uli kami! We did it before and we'll make sure that we will do it again!

...TO BE CONTINUED...

_________________
#RETURNTOHELLUNIVERSITY



"Don't forget to vote, comment, and share 😉"


| Nicksy___Nxxx| Ate Nickey| N.N.

Return To Hell University Where stories live. Discover now