Chapter 33

1.6K 79 41
                                    

[ CHAPTER 33: HURT ]



Zein's POV


Nagising ako sa kwarto ko sa SSG dorm nang nakakumot, napaisip naman ako kung papaano ako napunta dito.

"I don't want to say this! I don't want you to love another man except to me! But I already let you go, now this is the last time I'll call you darling... Darling YOU ARE NOW FREE"

Muli akong naiyak nang maalala ko ang nangyari sa gymnasium, hindi pwede, hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si Ace.

Buong tapang kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi bago ako tumayo, ngunit agad akong napahawak sa kama ko nang biglang dumoble ang aking paningin.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit kaya  kinapa ko ang sarili ko, may trangkaso ba ako?

Hayst!

Binaliwala ko na lang ito at balak ko na sana lumabas pero napatigil ako ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto at nang bumukas ang pinto ay iniluwa doon si Matt at Billy...

"Gising kana pala Zein, kumain ka muna.." Alok saakin ni Billy pero hindi ko siya magawang tingnan o kausapin.

Hindi ko alam kung bakit ako makakaramdam nang galit sakanya at sa sarili ko.

Malapit Sana saakin si Billy pero bigla na akong nagsalita.

"Umalis kana, kaya kong kumain mag Isa and besides andyan naman si Matt" Sambit ko sakany nang hindi siya tinatapunan nang tingin.

Alam Kong hindi magandang pakikitungo iyon, pero hindi pa ako handa na kausapin siya.

"Sige" Yun na lang ang sinagot Niya saakin bago umalis nang kwarto at sinarado ang pinto.

Narinig ko ang mahabang buntong hininga ni Matt dahilan para mapatingin ako sakanya.

Bago pa man siya magsalita inunahan ko na siya...

"Ikaw ba nagdala saakin dito?" Tanong ko sakanya

"Hindi ako, nagulat na nga lang kami nila Raze na nandito kana sa kwarto mo at natutulog ka nang mahimbing, Akala namin hinanap mo si Ace, nag alala nga kami sayo dahil sumugod ka sa napakalakas na buhos nang ulan" paliwanag ni Matt saakin.

Napaisip naman ako, ang huli Kong natatandaan lumabo ang paningin ko kahapon at may dumating na lalaki at binuhat ako...

Pero sino siya???

"Si Billy?" Tanong ko sakanya

"Imposible! Kasama namin siya kahapon" sagot naman niya ulit saakin.

Hindi kaya si Ace? No Zein! Wag kang umasa, masasaktan ka lang Lalo! Wala nang namamagitan sainyong dalawa kaya imposible na tulungan ka paniya!

Hindi ko namalayan na muli na naman palang bumuhos ang luha sa aking pisngi dahil sa naiisip ko, lumapit saakin si Matt at niyakap ako.

"Shhh!! Wag ka nang umiyak" pagpapatahan saakin ni Matt. " Andito ako para sa'yo, hindi kita iiwan...."

Pero iniwan Niya Ako.

"Gusto ko magalit kay Ace dahil sinaktan ka Niya, pinaiyak ka Niya, Pero Zein sa Kabila nang lahat ng nangyari may kasalanan ka din at nasaktan si Ace... Hindi ko siya masisisi, kung tutuusin sainyong dalawa mas siya ang nasaktan, dahil ibinigay niya ang buong tiwala niya Sayo. "

Alam ko yun, naiintindihan ko.

Tanga nga diba? Tanga Ako.

" Pero hindi kita sinisisi, ang hiling ko lang magpakatatag ka dahil alam ko hindi magtatagal babalik din siya sayo" Saadoa ni Matt habang ginagayod ang aking likod.

Return To Hell University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon