Chapter 12

7.4K 201 15
                                    

A/N: Before reading this,  please be advised that, this story might contain typographical and grammatical errors.





Cedie



"Lola!. " bati ko kay lola isang hapon. Katatapos ko lang sa paglilibot sa hacienda.

I kissed her forehead.

Nandito sya sa garden at nag tsatsaa.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng makauwi ako pagkatapos ng bagyo.

Hindi pa ulit kami nagkikita si Zariel. Nagtetext at tawag naman sya. Pero syempre iba pa rin yung sa personal. Diba!.

He said medyo busy daw sya sa hacienda  nila dahil hindi maasahan ang pinsan nya. Wala daw kasing ginawa kundi mambabae.

I sighed.

Namimiss ko na sya!.

"May problema ba, apo?. " my lola asked.

Umiling ako.

"La, ahm... Paano ba malalaman if mahal mo na ang isang tao?. " i suddenly asked my grandmother.

Ngumiti si Lola.

"Sa opinyon ko, mahal mo na ang isang tao kapag... Kapag naiisip mo sya, mapapangiti ka na lang. Yung tipong marinig mo lang ang pangalan nya kinikilig ka na. Palagi mo syang namimiss. Gusto mo lagi syang kasama. Masaya ka tuwing magkasama kayo. Hinahanap hanap mo yung presensya nya. Yung puso mo sobrang lakas ng tibok. Hindi mo kayang ipaliwanag yung nararamdaman mo. Tapos... "

Tumigil sa paliwanag si Lola at nakangiting tumingin sa akin.

"May nagugustuhan ka na ba, Apo?. " tanong nya.

Nagulat ako sa biglaang tanong nya.

Tumango ako. " Gustong gusto po.. "

"Parang mahal ko na nga po e!. " nakangusong sagot ko.

"Hmm, parang alam ko na kung sino..." Ani lola at nanunuksong ngumiti.

"Si Zariel Saavedra ba?. "

I was shocked, paano nya nalaman. Hindi ako makasagot. Nahihiya.

Hinawakan ni Lola ang kamay ko. Nakangiti.

"P-pano nyo po nalaman?. "

"Nung una hinala lang. Nagsimula dun sa rambutan at bulaklak. Saavedra lang naman kasi ang may rambutan farm dito. "

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Tapos nung isang araw nakumpirma ko. Narinig kitang may katawagan, tumatawa ka at nabanggit mo ang pangalang Zariel. "

I bit my lip and lowered my head.

"Sorry po.. "

"Bakit ka humihingi ng tawad, apo?. " tanong nya.

"Kasi po, nagkagusto ako sa kanya na isang Saavedra. " mahinang sagot ko.

"Walang masama duon, apo. Hindi kasalanan ang magmahal." Nakangiting saad ni Lola.

"Hindi po kayo galit?. "

Umiling sya.

"Hindi ko hawak ang puso nyo. Masaya akong,  nakita mo na ang lalaking mamahalin mo. Wag kang mag alala hija.. Hindi ako tutol sa inyo. At isa pa hindi ka na naman bata!. "

My eyes swelled, my Lola is so kind. She understand our feelings. We're so lucky to have her.

"Pero paano po yung ibang tao?. Alam po ng lahat na magkalaban ang pamilya namen. "

TRES MARIA'S SERIES 1: Maria MercedesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon