Chapter 16

7.1K 182 10
                                    

A/N: Before reading this, please be advised that, this story might contain typographical and grammatical  errors.





Cedie




Grabeng sermon ang inabot ko kay Miguel pag uwi ko sa bahay.

Saan daw ba ako nagsususuot at bigla na lang akong nawala.

"Kasi nga baks, ang tagal tagal mo sa restroom akala ko nga naflush kana sa inidoro e!. "

Nanunuri ang tingin nito. Nanliliit ang mga mata.

"Weh, totoo ba yan?. " tanong nito.

"Aba, oo naman!. Bakit ba kasi ang tagal mo?. Siguro nagboy hunting ka no!. " saad ko. Sinusubukang iligaw sa akin ang usapan.

"Hay, nako beh!. Boy hunting ka dyan!. Nakita ko yung classmate ko nung college taga dito na pala yun!.  May god!, chinika ako ng bonggang bongga!. " maarteng sagot nito

Buti at kumagat si baks. Baka bigla akong madulas sa totoong nangyari.

"Nga pala baks, dito pala magdidinner sila Zariel, papakilala kita dun sa pinsan!. " sabi ko na ikinatuwa nya.

Basta lalaki talaga ang usapan!.

"Why sa pinsan lang, dapat pati dun sa Zariel!. Malay mo mainlababo sa akin!. " aniya na may patili pa.

"Gaga!, wag abuso papakilala na nga kita dun sa pinsan tapos pati dun sa isa gusto mo pang agawin!. " singhal ko kay baks.

"Malay mo lang naman, kami pala ang destiny!. " sagot nito kaya sinabunutan ko.

"Hindi ka magugustuhan non!, ayaw non sa seahorse!. " sigaw ko.

.

.


Dumating sina Zariel at Adam para sa dinner. Sinalubong ko sila.

They smiled. Ang gugwapo!.

Ibinigay sa akin ni Zariel ang dala nitong bulaklak.

"Good evening, Cedie!. " bati ni Adam kaya ngumiti ako dito.

"Good evening din, pasok kayo!. " anyaya ko sa kanila.

Nang dumating kami sa dining ay nandoon na sila, si lola, ang kapatid ko at si baks na mukhang naglalaway na.

"Good evening po. " bati nila Zariel. Nagmano pa ito kay Lola ganun din si Adam.

"Magandang gabi, magsiupo na kayo at ng makakain na!. " masayang saad ni Lola.

Katabi ko si Zariel at katabi naman nya si Adam. Sa harap namin ay sina Ronnie at si Baks. Si lola ang nasa sentro ng hapag.

"Ahm, Zariel.. Adam si Miguel pala friend ko. " pakilala ko kay baks.

Pormal itong naglahad ng kamay kay Zariel. Pero tiningnan lang nya ito.

Tumikhim si Adam at sya ang umabot ng kamay ni Miguel.

Si Miguel naman ay nag ningning ang mga mata kay Adam.

Kinurot ko naman ang hita ni Zariel at pinanlakihan ko ito ng mata.

Umiling lang sya, meaning ayaw nya kay Miguel.

Nagsimula kami sa pagkain. Inasikaso ko si Zariel at nilagyan ko sya ng pagkain sa plato nya.

Bahagya pa akong nagulat ng inilagay ni Zariel ang isa nyang kamay sa ibabaw ng hita ko.

Tinampal ko ang kamay nya, pero hindi man lang nya inalis bagkus ay humimas pa.

Mabuti na lang at hindi kita dahil nasa ilalim. Nakakahiya pag nakita kami lalo na ni Lola.

TRES MARIA'S SERIES 1: Maria MercedesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon