Chapter 34: Memories

153 6 0
                                    

Chapter Thirty-Four | Memories


Leigh's Point of view

"Nga pala, will you come with me? I'm going to visit my mother."

Come with him? Gabi na. We should go back sa school. I looked at my watch pero halos mag 11 pm na ng gabi. Fuck. The school is probaby closed already by the time we get there.

"Tyra didn't want to come. She...she still loathes our mother" sabi niya. Kaya naalala ko naman bigla yung kinwento niya sakin nung nasa booth kami, nung tanungin ko siya about kay Tyra.

"Bakit ako? Why not Artemina? She's your girlfriend, right?" I mean, that's an oppurtunity narin para magkakilanlan na ng mga magulang. "S-She can't. She shouldn't." Agad naman akong nagtaka dahil dun. Bakit? Ano ba talagang meron sakanila ni Mina? Fuck. Ang gulo nilang lahat!

"Just do me this favor. Birthday niya bukas."

Napabuntong hininga nalang ako. I have soft heart for mothers anyway. Dahil narin siguro kay Mama. "Okay fine. But where are we spending the night? The school's probably closed." Tinuro naman niya ang bahay nila na ikinagulat ko naman. Baka nanjan tatay niya. "Don't worry. Dad always sleeps in his office. Walang tao jan" sabi niya at lumabas na ng kotse.

I sighed in defeat as I removed my seatbelt. Guess I don't have a choice. Lumabas narin ako at sumunod nalang sakanya. Naisipan ko rin kasing daanan namin bukas si Hiez bago kami pumunta sa nanay niya.

"Teka, bakit ba wala dito sa bahay niyo ang Mom mo?" tanong ko. Nandito na kami ngayon sa sala. Simple lang naman bahay nila. Hindi pangmayaman pero wala ring bakas ng pangmahirap. Average lang.

"Saan ba napupunta ang nga mentally ill?" Nakangiti niyang tanong at umakyat na para daw ayusin ang kwarto ni Tyra, dun nalang muna daw ako matutulog.

Sa mental hospital.

Nagising ako nang may kumatok. Nang makita ko kung nasaan ako aya agad akong napabangon. Oo, nga pala! We spent the night outside. Tumayo ako at binuksan ang kumakatok. "Aalis na tayo," sabi niya na agad namang ikinalaki ng mata ko. Tangina. Kakagising ko nga lang pala! "Uh, maghihilamos lang ako" sabi ko at sinara na ang pinto. Do I look ugly? Wala bang laway? Grrr! Mira would always tell me na ang panget daw ng morning look ko. Tss whatever.

Pagkatapos mag-ayos ay sinuot ko na yung damit ko kahapon. Hiniraman kasi ako ni Tyrus ng damit niya. Di naman pwede yung kay Tyra kasi baka magalit daw. Pinaka ayaw daw ni Tyra ang pinapakealaman ang gamit niya.

"Mag drive-thru nalang tayo ng breakfast" sabi niya. Tumango ako. Siya kasi ang nagd-drive ngayon. "Nga pala, pwede bang dumaan tayo sa hospital? I'll check on Hiez muna" sabi ko.

"Karl told me that they moved him in our headquarters. Mas safe siya dun." Napatango naman ako sa sinabi niya. I don't have to worry naman na noh?

Nang makarating kami sa mental hospital ay napansin koang excitement sa mukha ni Tyrus. Lumabas na rin ako sa kotse at nakita ko siyang kinuha ang guitar niya sa trunk. "Let's go" masaya niyang sabi. "I haven't visited her for months." Kaya pala sobrang excited siya. Maybe he'll sing her a song. I want to hear it. Gusto kong makita kung gaano kasaya ang Mom niya.

Dire-diretso lang siya at nakasunod naman ako sakanya. He opened the door of his mom's room pero napawi ang excitement sa mukha niya nang makitang lalakeng pasyente ang naroon. Nagkamali yata siya ng binuksang kwarto.

Nagulat ako nang pigilan niya yung nurse na dumaan. Nakita ko pang parang nasaktan yung nurse sa pagpigil sakanya ni Tyrus. "Excuse me, Miss. Pero nasaan yung dating nasa kwartong ito? Si Mrs. Gaour?"

I am your Fucking new TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon