Chapter 25: Artemina

329 16 0
                                    

Chapter Twenty-Five | Artemina


Leigh's Point of view

Next thing I heard ay nililigawan pala ni Tyrus si Mina. And thanks to that, gumaling ako, surprisingly. Eh kasi naman, that fucking kiss!! But mukhang walang meaning yun kay Tyrus kasi nga he likes Artemina kaya I shouldn't really make the big deal out of it diba? Haays, napakalife saver talaga ni Mina, as always.

Kaso...

"Hoy, anong nangyare kay Mrs. Liphers?" tanong ko kay Mira. Nandito kaming lima sa Steorra Woods. Lunch kasi ngayon pero itong Jim at Kevin, tumakas sa trabaho nila sa canteen. Mga sira ulo.

"Uh..." sabay-sabay na sabi ni Jim, Mira at Kevin sabay baling kay Artemina na prenteng nakaupo lang. Medyo malayo siya samin. "She got fired" sabi ni Mina sabay lingon sakin. Hindi ko alam bakit pero parang hindi siya si Mina, yung nakilala kong Mina. Her eyes are cold, parang...parang galit siya sa mundo. Yeah, the Artemina I knew was a bitch but not with this attitude.

"I asked for her position, so Mr. Blexink fired her for me." Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Tatayo sana ako nang hawakan ni Mira ang kamay ko. What the fuck is with her!? "Matanda na siya, Leigh" at di na ako nakapagpigil. Potanginang Mina!! Di na ako napigilan nung tatlo at agad akong lumapit kay Mina.

"Anong sabi mo?" Nakakuyom ang kamay at dikit ang mga ngipin kong tanong sakanya. Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko dahil mula highschool, mula nung magkakilala kami ni Mina ay never pa kami nag-away. At never pa ako nainis sakanya ng ganito. Well, there's always a first time for everything and anything, right?

"She's an oldie. She's useless---"

And I lost it. I punched her beautiful face. "What the fuck is your problem, Leigh!?!" Nakahawak siya ngayon sa pisngi niyang sinuntok ko. She looked at me and her eyes, hindi siya galit sa mundo. Galit siya...sa akin. Agad ko siyang sinuntok ulit. At dun na kami nagkwelyuhan.

"What the fuck is wrong with you two!!" Hinawakan ni Mira ang kamay kong nakataas na para suntukin ulit si Mina. Habang si Jim ay nakahawak sa kamay kong nakakwelyo kay Mina at sa kamay ni Mina na handa ring suntukin ako. Si Kevin naman ay nakahawak sa kamay ni Mina na nakakwelyo sakin.

"Kevin, bitawan mo ko" nangagalaiting ang panga ni Mina habang nakatingin ng matalim sa akin. What the fuck is wrong with her? Maayos kaming nagpaalam sa isa't isa. Pero bakit galit na galit siya sa akin!?!

"Tama na yan, please lang, Mina, Leigh," halos maiyak na na sabi ni Mira. Napatingin ako kay Mira na nasa tabi ni Jim. She looks so worried. She never saw us fight kaya ganun nalang siya kaworried. "Tss!" Binitawan ko si Mina na medyo tinulak ko pa siya. "Ayus ayusin mo yang ugali mo, Artemina ha! Alam kong masama ugali mo, pero ilugar mo" sabi ko at tinalikuran sila. Naglakad na ako palayo.

"Ano ba Kevin, bitawan mo ko!" yan ang huling narinig kong sigaw ni Mina. Never ako napuno sa ugali ni Artemina noon. Dahil nailulugar naman niya ang lahat ng ugali niya. Ganun siya eh. Nasa lugar ang pagiging bitch niya, ang pagiging mabait niyang kaibigan, ang pagiging caring niya, ang pagiging wapakels niya. Her personalities are all so organized.

What the fuck happened with you for the past four years, Artemina?

"GOOD NOON!!!"

Halos mapatalon naman ako sa lalakeng nakasalubong ko papasok sa classroom namin.

"YIIIIIIIIEEEEEEE!!!!"

"SEEEEERRRR YUNG GRADE NAMIN AHHHH!!!"

"OO NGA SEEER!! DAPAT MALAKEEEE!!!"

I am your Fucking new TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon