Fallen Academy

36.3K 818 39
                                    

Fallen Academy by zackrey_WP

Genre: Fantasy, Action, Teen Fiction, Romance.

All Rights Reserved, 2015.

~~~~~~~~~~~~~~~

||Fallen Academy||

Fallen Academy, an Academy for people who possesses magical powers. Fallen Academy is not really only a school, it is also a place where other Chanters live. Chanters who already graduated and are retarded.

Fallen Academy is located in the Fifth Dimension. Magical it is. However other Chanters chose to live with the mortals, they do that to live a normal life.

Fallen Academy was built for young Chanters to train and learn much more on what power they have. They train to defend there land from Darks. Different from the Common Chanters who have common powers, there are also the so called chosen. Chosen has the ability to control the Four Main Elements, Fire, Water, Air and Earth it is.

Just like how it is said above, they train to defend their land from the Darks. Darks wants to reign the whole Fifth Dimension, and all.

Fallen Academy.

~~~~~~~~~~~~~~~

||Prologue||

~

"Eris. Yan ang ipangalan natin sa kanya." Sabi ng babaeng kakapanganak pa lang.

Tumango naman ang lalake. "Eris Layla. Eris Layla napakagandang pangalan." Sabi pa 'nong babae.

"Alagaan mo ng mabuti ang anak natin." Nanghihinang sabi ng babae. Bigla namang kinabahan ang asawang lalake dahil dito.

"Ano ang ibig mong sabihin Lalaine?" Tanong ng lalake sa babaeng nagngangalang Lalaine.

Ngumiti ito ng matamis. At sinabing. "S'ya ang nakatakda." Saka ito nawalan ng malay.

"Nakatakda? Saan?" Naguguluhang tanong ng lalake sa kanyang isip. Parang wala itong alam sa mga nangyayari.

Kinarga n'ya ang kanyang anak at dinala sa nursery. At doon ito iniwan upang makapagpahinga din s'ya kahit papano.

Pagkatapos n'yang ihatid ang kanyang anak ay tumungo naman s'ya sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang asawang si Lalaine. S'ya si George Asakura.

Nakarating s'ya sa kwarto ng kanyang asawa na pagod na pagod dahil sa hindi s'ya mapakali kaninang nanganganak ang kanyang asawa. Kaya naman pagkapasok n'ya ay agad s'yang humiga sa couch na katabi ng hospital bed ng kanyang asawa. At sa isang iglap lang ay naghilik na ka'gad ito.

~~~

Nahulog sa pagkakahiga ang lalakeng si George ng biglang yumanig ang buong ospital. Pagyanig ito dulot ng isang pagsabog.

"Ang mga baby! Bilisan n'yo! Sa nursery daw naganap ang pagsabog!" Dinig n'yang sigaw galing sa labas.

Umupo muna s'ya ng maayos ng biglang nag-echo ang sigaw na galing sa labas.

Dali dali s'yang lumabas ng kwarto at tumakbo papuntang Nursery. Pero ang naabutan lamang n'ya ay ang mga sunog at patay na sanggol.

Nanlumo s'ya sa mga nakita n'ya at unti unting tumulo ang kanyang mga luha. 'Ang anak ko' sabi n'ya sa isip n'ya.

"Hindi maaari." Ang mga salitang 'yon na lang ang lumabas sa bibig n'ya.

Tumalikod na s'ya at nagsimulang maglakad papalayo. Nang ..

"Buhay pa 'to! Bilisan n'yo mga nurse! May mga nakaligtas!" At dali dali n'yang nilapitan ang mga 'yon.

Limang bata ang nakaligtas. At isa na dito ang kanyang anak. Animo'y wala itong mga galos.

Tumakbo s'ya papalapit sa mga nurses na kumuha sa mga bata. Lima silang nakaligtas. 'Salamat diyos at buhay ang aking anak' ani n'ya sa isipan n'ya.

Tatalikod na ulit sana s'ya ng mahagip ng kanyang mga mata ang mga marka sa apat na bata.

Ang malusog na batang babae ay mayroong hugis dahon na marka sa batok nito.

Ang isang batang lalake naman ay may hugis apoy na marka din sa batok nito. Ganoon din ang isa pang batang lalake, pero hugis tulo tubig naman ito. At ang huli ay ang batang babae na katabi ng kanyang anak na may pa-spiral na marka sa batok.

At hindi na lamang n'ya ito pinansin at inilagay sa kanyang isip na namamalikta lang s'ya at pagod.

~~~~~~

Malusog ang batang si Eris Layla. Pero mapapansin mong may puting highlight ang buhok nito na bumagsy naman sa kanya.

Noong tinanong kasi n'ya ang doctor tungkol dito, tanging ang sinagot lang nito ay baka dulot ito 'nong pagsabog. Ang pagsabog na hanggang sa ngayon ay wala pa ding nakakaalam kung bakit at anong nangyari.

"Maganda s'ya." Ani ni Lalaine habang hinahaplos ang mukha ng anak n'yang natutulog.

"Mana sayo." Sabi naman ni George. Ngumiti naman si Lalaine ng matamis dahil sa sinabi ng kanyang asawa.

******************************

AN: Here's a different PROLOGUE :D haha try ko lang naman. please support this story :D

i will surely appreciate for those who would.

sa mga hindi pa po nababasa ang isa kong Completed Story. basahin ni'yo po:

Archaic World : Ice Princess. :)

>>zackrey_WP

------- A ------- X ---------L -------

Fallen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon