||FA|| (1) : Eris Layla

24.4K 660 27
                                    

16 years later...

Labing anim na taon na ang nakalipas matapos ang trahedya na nangyari sa isang ospital. At taning ang mga namatayan ng anak na lamang ang hindi makalimot sa pangyayaring iyon.

At ang limang batang nakaligtas ay maayos na din ang buhay ngayon. Pero palaisipan pa din ang mga kakaibang marka na nakaukit sa katawan ng apat.

At tukoy din ang pagkakakilanlan ng apat-limang batang ito.

Si Justine Syke Zhao ang batang may hugis apoy na marka.

Si Jessica Sting, ang batang may hugis patak ng tubig na marka.

Si Adrian Rafael Terran, ang batang may pa-spiral na hugis ng marka sa batok.

Si Ariana Rae Terran, kakambal ni Adrian at ang batang may hugis dahon na marka sa kanyang batok.

At si Eris Layla Asakura. Ang batang may mga puting hibla ng buhok sa ulo.

~~~~~~

//Eris//

Hi! Ako nga pala si Eris Layla Asakura. 16 years old, nag-aaral sa eskwelahang kung tawagin ay Cattail University. Na pagmamay-ari ng isa sa mga best friends ko. Nga pala ako ay isang fourth year student na, laking pasasalamat na nga lang ng aming batch na hindi kami inabutan ng K-12 chu-chu na 'yan.

"Hi Bestiee!" Bati sa'kin ni Rae pagkapasok ko sa room namin.

S'ya ang sinasabi kong kaibigan na may-ari-anak ng may-ari ng school na 'to. S'ya si Ariana Rae Terran. Well dalawa silang anak, meaning, may kakambal s'ya. And he-

"Hoy bakla!"-she pala. She is Adrian Rafael Terran, best friend ko din. He-i mean she is gay. Ewan ko jan ke gwapong tao tapos babading bading.

"Ang aga mo ah!" Bati ko sa kanya.

"Pa'no walang nabingwit kagabi." Ani ni Rae. Na-gets ko naman ang ibig sabihin nito kaya tiningnan ko ng mapang-asar na tingin si Raf.

Inirapan lang ako nito, kaya natawa na lang kami ni Rae. Saktong umupo s'ya ay dumating naman ang teacher namin.

"Good Morning class." Bati ng guro sa'min. We greeted her back and she started discussing her lessons.

At the middle of her discussion someone knocked at the door. Napatingin naman kaming lahat doon. Binuksan ni Ma'am Kukulam ang pinto at pinapasok ang kumatok.

"OHMY PAPALICIOUS!" Patiling sigaw ni Raf.

Isang gwapong lalake kasi ang pumasok mula sa pinto. May magulong buhok ito at singkit na mata, and his white complexion of skin, bumagay lang ito sa kanya. Kaso mukhang masungit.

"Keep Quiet Mr. Terran!" Sigaw ni Ma'am Kukulam kaya naman napa-ayos ng upo si Raf.

Pumunta na si Ma'am Kukulam at ang lalake sa gitna, sa harap.

"Please do welcome your new classmate. He is Justine Syke Zhao." Pagpapakilala ni Ma'am Kukulam dito.

"Please seat beside Ms. Asakura." Sabi pa ni Ma'am Kukulam sa kanya. At Ms. Asakura? Waaah!

Naglakad na s'ya papalapit sa'kin, at umupo na sa katabing upuan ko. Pagka-upo n'ya nakaramdam ako ng kalabit mula sa likod ko. Kaya nilingon ko ito.

Fallen AcademyWhere stories live. Discover now