||FA|| (3) : Difference

14.2K 507 14
                                    

//Eris//

"Ugh!" Ang sakit ng ulo ko. Ano ba nangyare? Ang sakit talaga.

Umupo na ako sa kama, e'to ang usual kong ginagawa pag bagong gising. Tumayo na ako at dumiretso papuntang banyo.

T-teka. Bakit naka-lock 'to? Tinulak tulak ko pa pa ito pero hindi pa din mabuksan.

Napalaki ang mga mata ko ng ma-realize kong iba na ang kulay ng kwarto ko. From pink tapos ngayon Red na Red na? Kelan ko pa pinapalitan 'to?

*click* "Aray!" Guess what happened.

Bigla lang namang bumukas ang pinto ng banyo na sinasandalan ko. Kasabay ng pagbagsak ko, ang pagkagising ng diwa ko. Ngayon ko lang napagtantong hindi ito ang kwarto ko. At ewan ko kung sino ang nagmamay-ari nito.

"Uupo ka na lang ba jan?" Dinig ko ang boses ng isang lalake.

Agad naman akong napatingala, batid ko kasing galing sa taas nanggaling ang boses ng lalakeng nagsalita.

"J-justine? Waaah! Bastos!" Oo tama kayo si Justine nga! 'Yung kinababaliwan ng schoolmates ko. P-pero, ba't kasama ko s'ya at b-ba't..

"Waah! Magdamit ka nga!" Sigaw ko pa.

Hindi lang ito umimik, sa halip ay dumiresto pa ito sa isang malaking aparador. Batid kong isa itong walk-in closet. 'Nong sinarado n'ya ang pinto ng closet n'ya. Agad naman akong pumasok sa banyo.

Naghilamos lang ako at nagmumog. Wala naman kasi akong toothbrush dito. Kinuha ko ang towel na nasa gilid ng lababo at ipinunas ko ito sa mukha ko.

"The Perk!" Literal na lumaki ang mga mata ko ng makita ko ang kulay ng buhok ko.

May highlights na itong White, and wala akong kahit konting hint kung paano nangyare 'to. Takte, ano ba kasi ang nangyare?

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko s'yang nakabihis na.

"A-ano ba a-ang na-nangyare?" Pautal utal kong tanong.

"Sa tingin mo?" Tapos ngumisi ito ng nakakaloko.

Ma-maaari kayang..?

"Waaaah! You raped me!" Sigaw ko sabay pinag hahampas ko s'ya.

"A-ano ba! Aray! Tumigil ka nga!" Napatigil ako. "Una sa lahat hindi kita type kaya walang dahilan upang rape-in kita." He paused. "Pangalawa at huli, nakita kitang pinagti-tripan ng mga tambay sa isang madilim na daan at bigla ka na lang nahimatay."

"At saka, ano ba meron sayo?" Napa-'ha?' ako sa tanong n'ya.

"What do you mean?"

"Kagabi, bago ka mahimatay. Biglang nag-sitakbuhan 'yung mga nangti-trip sayo at nagsi-sigaw ng demonyo." Huminga s'ya ng malalim. "Then nakita kong purong itim ang mga mata mo, tapos 'yung buhok mo. Nagkaroon din ng mga highlight na puti."

"It just glowed and there it is, highlighted na." Dagdag n'ya pa.

"Thank you." I said out of nowhere.

"It's nothing."

"Hindi ka ba natatakot sa'kin?" Umiling lang ito at ngumiti.

Fallen AcademyWhere stories live. Discover now