Chapter 37:Stay

576 24 12
                                    

Seth's Pov
Pangatlong activity na namin to ngayong araw.Talo nga agad kami eh,group nila chin yung kalaban namin,puro naman kasi babae yung kagrupo ko tapos yung isa nag-iinarte pa,edi sino pa ba edi si lorin guttierez lang naman po.

Para sa last round,ang naglaban ay grupo nila kyle at grupo nila chin at jayda.

Masyado ngang tinatake advantage nung louise na yun yung sitwasyon eh.Masyadong lumalapit kay chin at ito namang pareng kyle ko,sama ng tingin kulang na lang sapakin niya na eh.Kung ako rin naman yung nasa position ni kyle ngayon,ganon din yung mararamdaman ko,syempre ayokong may ibang lumalapit sa babaeng mahal ko no at gusto ko ako lang.

Lumapit naman sa kinatatayuan ko si blythe at darren.Yung tatlo andun pa sa mga kagrupo nila kasi in-game pa sila.

"lakas ng pwersa nila kyle,sakit ng kamay ko"sambit ni blythe
"sinabi mo pa,halos mapasubsob na nga ko sa sobrang lakas ng paghatak nila buti na lang talaga namemaintain ko yung balance ko"dagdag naman ni darren
"eh ako nga puro babae yung mga kasama ko tapos yung lorin na yun nag iinarte pa"reklamo ko naman na kinatawa nila
"samin naman puro babae rin kasama ko pero malakas din pwersa nila pero sadyang mas malakas lang talaga yung grupo nila kyle"sambit ni darren na kinatango ko na lang
"magsisimula na ata,dun tayo dali para makita natin"yaya ni blythe at sumunod naman kami sa kanya

Pumunta na kami dun sa harap at saktong pumito na si sir ian kaya nagsimula na sila sa paghila

Antagal ng round na to kasi parehing malakas ang pwersa ng bawat grupo at makikita mo talagang competitive sila at ayaw magpatalo kahit sobrang namumula na yung mga kamay nila sa paghila.

Nilakasan pa ng group 2 yung paghatak na sanhi ng pagkabitaw ng group 1 sa tali except for chin na hindi nabitawan yung tali at napasubsob kay kyle na kinabagsak naman nilang dalawa sa sahig.

Nagkatinginan naman kaming tatlo dito na may ngiti pa sa mga labi sa nasaksihan naming pangyayari.Pati yung ibang student na nandito ay halatang kinikilig din pati nga ata si sir ian except dun sa dalawa na si louise at lorin.

"tug of war ba talaga to kasi sa nakikita ko ngayon parang hindi"sambit ni blythe na nakatingin parin dun sa dalawa na hindi parin magawang umalis sa posisyon nila
"oo nga eh"natatawang sambit ni darren
"umalis na ko dun nao-op ako eh"biglang sulpot ni jayda
"tara na muna,pabayaan na muna natin yang dalawa"yaya ko
"oo nga kailangan ata ng privacy"dagdag ni darren at tumawa
"tara na and mukhang tapos na naman na yung game eh"sambit naman ni jayda.
"oo nga may nanalo na eh"natatawang sambit ni blythe

Sabay sabay na kaming lumabas ng field at iniwan yung dalawa dun na hanggang ngayon ay hindi parin magawang makagalaw sa posisyon nila

"saan tayo"tanong ni jayda
"foodcourt muna tayo"yaya naman ni blythe
"bakit naman dun"tanong ni darren
"nagugutom ako eh"sambit ni blythe at kumamot sa ulo
"nanaman eh kakakain lang natin kanina"nagtatakang sambit ko
"nako masanay na kayo diyan kay blythe,palagi namang gutom yan"natatawang sambit ni jayda na kinasama ng tingin sa kanya ni blythe
"grabe naman kayo sakin,masama bang kumain"sagot ni blythe na nagtatampo
"sige na,wala naman na tayong pupuntahan"pagpayag ko na kinangisi nung dalawa
"ayun pinagbigyan oh"sambit ni jayda na mapang asar
"di rin matiis"dagdag naman ni darren at nag apir pa yung dalawa
"pwede tumigil kayo"seryosing sambit ko na kinatawa nila
"defensive mo bro"sambit pa nj darren na kinatawa muli nila habang si blythe tahimik lang
"tumigil na nga kayo"sambit ko muli
"tigilan niyo na yan nagugutom na ko oh"reklamo ni blythe
"tara na nga nakakahiya naman diyan sa prinsesa mo"sambit ni darren at nauna nang naglakad papuntang foodcourt
"tara na,baka mamatay ka na sa gutom diyan eh"pagbibiro ko at hinampas naman niya ko sa braso
"biro lang"natatawang sambit ko na kinairap naman niya

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now