Chapter 61:Alejandro's Identity

486 16 13
                                    

Francine's Pov
Isang linggo narin ang nakalipas nang mangyari ang kahibangan ng louise na yun,paulit ulit din siyang lumalapit sakin pero ang mga kaibigan ko na ang nagkukusang pigilan siya at palayuin sakin.

Alam din nila mom at dad ang nangyari at nagalit sila lalo na si dad.Tinangka pa ngang sugudin ni dad si louise but i stop him,ayoko nang mas lumala pa yung sitwasyon.

Thankful rin ako na may mga kaibigan akong hindi ako pinabayaan at kung di siguro sila dumating baka ano nang ginawa sakin ng bwis*t na yun at syempre sa tulong ni alejandro na mahanap ako.But speaking of alejandro halos 3 days na siyang hindi pumapasok,gusto ko sanang magpasalamat sa kanya.

"sissy tara na"sambit ni blythe at bumaba na kami ng kotse

Nang makababa na kami at hinawakan niya ang kamay ko at naglakad patungo sa kinatatayuan ng mga kaibigan namin.

"good morning guys"bati ko
"morning"pabalik na bati nila
"wow blythe talagang inaalagaan ah"mapang asar na sambit ni darren
"mas mabuti na yung sigurado"sagot ni blythe
"yah blythe is right"pagsang ayon naman ni kyle
"tara na"sambit ni seth at pumasok na kami sa loob

Kaming tatlo nila seth ang magkakasama ngayon.Pansin ko ang pagiging mausisa nitong isang mokong na to,parang bodyguard ko,these past few days mas naging protective siya sakin dahil siguro dun sa nangyari at hindi niya ko hinahayaang mag isa at pinapansin niya narin ako

"chinny dont look at me like that"biglang sambit niya na kinaiwas ko ng tingin,shocks nakatitig na pala ko sa mokong na to
"talagang gustong gusto mo kong tinititigan no"mapang asar na sambit niya
"best view ka daw niya bro"pagsabat pa ni seth at nag apir pa ang dalawang mokong
"alam niyo kakapal ng mukha niyo talaga"inis na sambit ko
"wag mo ko damay franchinchin siya lang naman ang may makapal na mukha"sambit ni seth at tinuro si kyle
"bakit totoo naman ah"tingin niya sakin na nakangisi
"oh talaga pano mo nasabi"sarkastikong sambit ko at nilapit niya sakin ang mukha niya,halos maestatwa ko sa kinatatayuan ko at halos di ko na alam ang gagawin ko
"bakit di ka makatingin nang diretso"mapang asar na sambit ni kyle habang nakatitig sakin
"pwede ba ilayo mo yang mukha mo"sambit ko na medyo may pagkailang sa tono na hindi parin makatingin nang diretso
"pano kung ayaw ko"sagot niya na mapang asar
"sasapakin kita"pagbabanta ko at itinaas ang nakayukong kong kamay
"then do it"nakangiting sambit niya

Napatingin kami sa direksyon kung saan ay may umigham.Nakita namin si louise na masamang nakatingin samin at umayos naman ng tayo si kyle.

"anong ginagawa mo dito"tanong sa kanya ni kyle
"hindi ikaw ang gusto kong kausapin kundi si francine"sagot naman ni louise
"wala na kayong pag-uuspan kaya umalis ka na kung ayaw mong masapak ulit"pagbabanta ni kyle
"bakit di mo gawin"sambit naman ni louise
"tama na,ano bang gusto mong pag usapan louise"pagsabat ko
"chinny sigurado ka ba"tanong sakin ni kyle
"kyle okay lang"sagot ko at ngumiti
"fine pero hindi ko hahayaang makalapit ka pa sa kanya"sambit ni kyle
"francine please hindi ko sinasadyang saktan ka i promise"sambit niya na may pagmamakaawa pa sa tono
"wala na yun nangyari na eh"sagot ko
"im so sorry please patawarin mo ko"sambit niya muli at lumapit pa sakin,hahawakan niya sana ang kamay ko pero tinapik yun ni kyle
"diba sabi ko wag kang lalapit at talagang hahawakan mo pa ang kamay ni chinny"pagsabat ni kyle
"pwede ba wag kang nangingialam?!"inis na sambit sa kanya ni louise
"tumigil na kayo at kung wala ka nang sasabihin aalis na kami"sambit ko pero pinigilan kami ni louise
"pwede ba bilisan mo kasi magsisimula na ang klase"sambit ni seth na may pagkainis
"francine please bumalik ka na ulit sakin gagawin ko lahat para bumalik ka sakin promise di na ko maghahanap ng iba"sambit niya na kinairap ko
"pre parang anglabo naman niyang sinasabi mo magmove on ka na pre kasi di ka na mahal"sambit ni seth na kinasama ng tingin ni louise
"wala namang kwenta pinagsasabi nito tara na nga"sambit ni kyle at hinatak ako papalayo
"parang tang* lang"natatawang sambit ni seth na kinatawa na lang din namin.

Love Never Dies [Book 1]Where stories live. Discover now