Prologue

70 40 7
                                    

Kinakabahan akong nakatayo dito sa rooftop. This is the special day of my life, because this is the day I will proposed to my beloved girlfriend/bestfriend.




Maya-maya lang nagsenyas na yung isa sa mga binayaran ko para tulungan ako sa proposal na gagawin ko, sinenyas na malapit na si Ilenea kaya ang kaninang kinakabahan ay mas domoble pa ang nararamdaman ko, parang kinakarerang kabayo ang tibok ng puso ko sa sobrang bilis.




Nagsimula ng tumugtog ang mga nag ba violine at nagpa piano, ng makita ang isang babae na katatanggal lang sa piring ng mga mata nya.




Hindi mapaliwanag ang tuwa at the same time kinakabahan ang nararamdaman ko, habang nakatingin ako sa babaeng naglalakad na naguguluhan papunta sa direksyon ko.




Patuloy syang naglalakad sa mga petals na nagkalat sa nilalakaran nya, hanggang sa makarating sya sa mismong harapan ko.




"Anong meron?" Enosenteng tanong ng mala anghel na mukhang nasa harapan ko mismo.




Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi ko parin maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng mga mata nya at sa maamo nyang mukha.




Hindi ko sya sinagot bagkus lumuhod ako at kinuha sa likod ng bulsa ng pantalon ko ang isang maliit na red box, kung saan naroroon ang engagement ring na ibibigay ko sa kanya.




Magsasalita na sana ako ng bigla syang umiling-iling, naguluhan ako dahil sa reaksyon nya.




"No... no.... hindi ito maaari.... please sana mali ang hinala ko" tila naiiyak na sabi nya, habang dahan-dahang umaatras kaya napatayo ako at pinigilan sya.




"A-anong nangyayari?... Hindi kita maintindihan" Naguguluhan at kinakabahang tanong ko dahil ngayon ko lang syang nakitang magpanic ng ganito.




"Hindi.... hindi ito maaari. Sabihin mo... hindi mo ako aayaing magpakasal diba?" Naiiyak na sabi nya at niyugyog ako, umiling ako.




Nakita kong tila naguguluhan na ang mga taong nandirito pero wala akong pakialam sa kanila ngayon, ang nais ko lang ay ang malaman kung bakit nagkakaganito si Ilenea.




"Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ko pero hindi nya ako pinansin kaya niyakap ko sya.




"Shit sabi konangaba mangyayari to... dapat sa simula palang tinigil kona ang nararamdaman kong to." Hagulgol na sabi nya habang nakayakap sakin at bigla nya akong tinulak, nagulat ako ng pumitik sya at biglang tila huminto sa pag-galaw ang lahat. Ang kaninang patuloy na nag va violine, ay ngayon ay para ng yelo na naninigas at ganun din ang iba pang nandirito.




"Pa... paanong?" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko, habang naguguluhang nakatingin kay Ilenea na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin pero bakas parin ang pagluha.




"Anghel ako" Natigilan ako sa sinabi nya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.




"Love naman, hindi to oras ng pagbibiro" pagsusumamo ko.




"Seryoso ako, hindi ako nagbibiro" She said seriously and she stared me blankly.




"Pero love---"




I'm sorry, mahal kita pero mali ito.




Natigilan ako ng may narinig na nagsalita, hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig nayun dahil wala naman akong nakitang nagsalita, dahil kaming dalawa lang ni Ilenea ang patuloy na gumagalaw.


Catch me BY YOUR WingsWhere stories live. Discover now