Chapter 1

45 31 15
                                    

Clevrince Cleamonte

Nagdadrive ako ng kotse pauwi sa bahay. Kagagaling ko lang sa isa sa mga pinaka sikat na bar dito sa Cebu, medyo nahihilo at nanlalabo na ang paningin ko dala ng sobrang pag-inom habang nagda drive.




Napapikit at napahawak ako sa sentido ko ng bigla itong sumakit. Pero biglang nanlaki ang mata ko ng marinig ang tila nalaglag sa harap ng kotse ko pababa sa kalsada, dali-dali akong bumaba para tingnan kung ano yun.




Ang kaninang nahihilo at nanlalabong paningin ko ay biglang nawala ng makita ko ang isang babaeng nakapikit habang namamalipit at pilit na tumatayo pero sa itsura nya, mukhang hindi nya kaya.




"Shit! Nakasagasa ata ako!" Nag- papanic sabi ko bago ko sya nilapitan.




"Miss! Miss! ok kalang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya ng malapitan ko sya.




Pero napatulala ako nang magmulat sya ng mata. Napaka ganda, para kang mahi hypnotize sa mga tingin nya sa sobrang ganda ng mga mata nya.




Nakipagtitigan sya pero nagulat ako ng bigla syang himatayin kaya nataranta akong buhatin sya at dalhin sa loob ng kotse ko.




"Damn it! What I have done?!" Inis na bulong ko at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse.




Sa sobrang taranta ko, kung saan ko nalang pinark ang kotse ko at nagmamadaling binuhat yung babae at pinunta sa condo ko.




Nanginginig kong sinwayp yung card sa pinto at dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagdadalawang isip ako kung ilalagay ko sya sa kama or sa couch, dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung may hihiga sa kama ko maliban sakin, but I afraid she might fall again in the floor and get herself hurt again because of me. And I don't think of what I feel when it's happened, maybe I become more guilty of what I've done so I slowly lay her to the bed. After that, I immediately called my personal doctor.




"Hello Mr. Chavez I need you here right now, mukhang may nasagasan ata ako at biglang hinimatay!".




"Ok Clevi calm down ok? papunta na ako dyan."




"Sige salamat" I said and turned off the call.




Naglakad ako at nilapitan yung babae, ngayon kolang napansin na sobrang ganda at napaka amo ng mukha ng babaeng ito, para syang Anghel na bumaba sa langit. Ang kanyang bilugang mukha, ang mahahaba nyang pilikmata, ang matangos nyang ilong, ang hugis puso nyang mga labi at ang pisngi nyang mamula-mula na parang ang sarap pisilin. At hindi lang iyun ang napansin ko, daig nya pa ang mga mayayaman at artista sa sobrang puti at kinis ng balat nya, pero ang pinagtataka ko, kakaiba ang kanyang pananamit. Isang mahabang damit na hanggang tuhod, ang itsura nito ay parang gawa sa balat ng hayop na hindi mawari.




Iniwan ko sya saglit sa kama ko at nagpuntang kusina para uminom ng tubig, maya-maya lang may nag doorbell.




Lumapit ako sa pinto at binuksan ito, bumungad sakin si Mr. Chavez dala ang mga kit nya at doon bumalik ang pagkataranta ko ng maalala kung bakit sya naririto. Dali-dali kong niluwagan ang pinto para makapasok sya.




"Asan yung nabangga mo?"




"Andito" Iginaya ko sya sa loob ng kwarto ko kung nasaan yung babae.




"Jusmiyo!" Agad akong napatingin sa kanya nung sinabi nya yon ng makalapit kami sa kama ko. "Tao paba toh?" Turo nya duon sa babae, binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.




Catch me BY YOUR WingsWhere stories live. Discover now