Chapter 5

16 14 0
                                    

Sunday

"Bahala kana dyan" Sabi ko kay Ilenea, pagkatapos kumain. Ako na ang nagluto kanina dahil baka sunugin nya nanaman.

Kanina pagkagising na pagkagising ni Ilenea, kinausap ko sya na umalis na dito sa bahay, dahil baka may mangyari pang masama sa kanya dito at maging sagutin kopa. Pero nakiusap sya na mag stay dito kapalit ng pagsisilbihan nya ko, nung una di ako pumayag pero nakaramdam ako ng awa ng sabihin nyang wala na syang magulang at kamag-anak. Wala na syang mapupuntahan, hindi naman ako ganon kasama kaya pumayag na ako and beside hindi naman libre ang pagtira nya dito, pagsisilbihan nya ako sa madaling salita magiging katulong ko sya. Which is good for me.

Wait...kanina kopa napapansin. Why I'm explaining my self to you guys?

Aysh!

Nabalik ako sa reyalidad ng pigilan ako ni Ilenea. "Wait" Nilingon ko sya at hinintay ang sunod nyang sasabihin.

"Diba linggo ngayon?" Pinagkunutan ko sya ng noo.

"Oo, bakit?"

"Ahm kaya kaba aalis dahil magsisimba ka?"

"Hindi" Simpleng sabi ko at handa na syang talikuran ng pigilan nya ako sa braso, kaya wala sa oras na napatingin ako sa kamay nyang nakahawak ngayon sa braso ko.

"Wag ka ng umalis please, magsimba nalang tayo." Inalis ko kaagad yung tingin ko sa kamay nyang nasa braso ko, at inis na tinignan sya pero wrong move dahil kahit di sya naka pout o nagtu twinkle eyes parang kusang napapayag ako sa simpleng pagtitig nya sakin.

"Talaga?" Di makapaniwalang sabi nya at inalis ang pagkakahawak nya sakin, at ewan koba parang nakaramdam ako ng disappointment ng sandaling alisin nya iyon. "Aysh oona!" Napipilitang sabi ko. "Tara na" Masiglang sabi nya at hinitak nya ko pero pinigilan ko sya.

"Akala koba pumayag kana?" Biglang lungkot na sabi nya.

"Oo nga"

"Pero bakit moko pinigilan?" Inosenteng sabi nya.

"Oo nga pero bago yon" Pinasadahan ko sya ng tingin, naka plain pink na dress pa sya, ito yung suot pa nya kahapon. "Maligo at magpalit ka muna, dahil ang baho-baho mona" Pagkasabi ko non, inamoy nya ang sarili nya.

"Di naman ah" Sabi nya pagkatapos nyang amuyin ang sarili nya, sa totoo lang di naman talaga sya mabaho ayoko lang sa damit nya, masyadong maikli.

"Maliligo ka o hindi tayo pupunta" Pananakot ko sa kanya at ganon nalang ang gulat ko ng mabilis syang nawala sa paningin ko, pero pinagsawalang bahala ko nalang ito dahil baka mabilis lang syang tumakbo.

"Tara na?"

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko ng hindi ko manlang nakita o naramdamang lumapit sya sa harapan ko.

"Asan?" Inosenteng sabi nya.

"H-how did you do that?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Huh?"

"Nevermined" Sabi ko nalang at pinasadahan ulit sya ng tingin. This time naka white cocktail dress na sya mas better kesa kanina, pero ang pinagtataka ko san nya nakuha yang damit nayan, dahil si Cherie palang ang nagbibigay sa kanya ng damit at hindi gusto ni Cherie o ni Zane ang any cocktail style. Pinagkibit balikat ko nalang ang namuong tanong sa isipan ko at nauna ng lumabas, sumunod naman sya sakin.

Habang nagdadrive, diko mapigilang isipin na baka mainis lang at makagawa pa ako ng hindi magandang eksena doon, dahil pagnabagot ako nakakagawa ako ng hindi maganda.

The hell anong gagawin ko don!

Aysh bat ba kasi ako pumayag?! Kaasar kasing matang yan eh..

Catch me BY YOUR WingsWhere stories live. Discover now