Chapter thirty

4.8K 272 28
                                    

"So this is my apartment."

"Wow... it's so chic and classy." Ang namamahang wika ni Sophia. "Hello Miss Independent!" Papuri nito sa lugar.

Natawa na lang siya. Dumiretso sila sa sala kasunod si Jin na hila hila ang dalawang malalaking maleta ni Soph.

"You can have my room while you—"

"No thanks, I'd rather have Jin's room."

Awtomatiko ang naging pag-angat ng kilay niya. Ibinaling niya ang tingin sa hindi nakahumang si Jin. Natawa na lang siya ng makita ang namumulang tenga nito. Mas lalo itong namula ng makita ang reaksyon niya.

"Sa kwarto ka na lang ni Lady Sor—"

"Ayoko nga!" Putol ni Sophia dito. "Saka bakit ba ang layo mo? Umupo ka nga dito sa tabi ko." Hindi nakahuma si Jin ng hilain ito ni Sophia paupo.

She heard Jin's groan when Sophia settled her head on his shoulder.

"Magsabi nga kayo ng totoo. Kayo na ba?"

"Hindi."

"Malapit na."

Halos magkapanabay na sagot ng dalawa.

Inirapan ito ni Sophia. "Anong sinasabi mong hindi? Malapit na kaya!"

"Can you act more lady-like?"

Sophia raised one brow at Jin. "You weren't saying that when I kissed you torrid—"

Natabunan ang mga salita ni Sophia ng sunod sunod na pag-ubo ni Jin. Napangisi si Sophia.

"Masyadong mahiyain ang baby boy ko. Don't worry, mawawala din iyan."

"Sophia!" Saway dito ni Jin.

"Eh kung dito ka na rin kaya tumira?" Malanding tanong ni Sophia dito.

Lumakas ang ungol ni Jin na ikinatawa niya.

"Nagiging third wheel na ako sa inyo. O siya. Mauuna na ako. I'll let you settle your things first."

"Babalik ka ba mamaya? Dito na kayo mag-dinner ni Jin."

"I can't tonight, Sophia. I need to be at the Sinclair estate. Maybe tomorrow?"

"Okay. Ako na ang susundo sa iyo sa estate ni Mr. Rakehell."

"Mr. Rakehell?" Tanong ni Jin.

Pinanlakihan niya ng mga mata si Sophia.

Sophia just chuckled. "Just a name Sora has been calling her husband everytime we talk over the phone."

Sora rolled her eyes at Sophia. "Pag pumunta ka bukas sa estate. Huwag na huwag mong mababanggit iyang salitang iyan, Sophia."

"Fine."

Tumayo si Jin.

"You can stay Jin."

"Isama mo na si Jin. Baka mamaya malaman pa ng lolo mo na inaagaw ko siya sa iyo." Natatawang wika ni Sophia.

"Sira. O siya, tayo na Jin."



Comrades in Action: Thomas James De Vere Book 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon