Chapter 18

33 3 4
                                    

His feelings.

"Brad, mukhang kinakabahan ka yata?" Usisang tanong ni VJ.

"Alam mo namang hindi mawawala ang kaba kapag may sinasalihan tayong dance contest VJ" Napaismid lang siya habang nagaayos.

"Gift, paabot naman ng tubig oh" Humihikab na saad ni Jonas.

"Ano ka ba naman dre, aabutin mo lang iuutos mo pa sakin."

"Ito naman parang di mo naman ako bestfriend, masakit ha"

Malakas ko siyang binatukan kaya ngingisi ngisi ang loko. Kasalukuyan kaming nasa backstage, sumali kami sa PhilKor dance contest ngayong taon. Sanay man sa pakikipagcompete ngunit aaminin ko may kaba pa din talaga akong nararamdaman.

"Hindi ka ba kinakabahan sa pagkanta mo mamaya VJ?" Umiling siya habang inaayos ang kanyang damit.

"Medyo may hint naman ng kaba pero dapat di ako magpatalo 'dun kundi piyok aabutin ko brad" Sabay sabay silang humagalpak ng tawa kaya natawa na rin ako.

"Let's all welcome VJBROS!!"

"Kaya natin 'to." Saad ni VJ sabay sabay naman kaming tumango sa kanya.

Sa umpisa ng performance ramdam na ramdam ko pa ang kaba sa sistema ko pero nawala lahat ng yun nung nakita ko siya. Medyo madilim sa hall pero dahil malapit siya sa stage ay nakikita ko siya ng maayos. Nakawhite siyang shirt na pinatungan ng jumper na palda, nakaponytail ang buhok niyang sa aking palagay ay lampas balikat, singkit ang kanya mga mata at hype na hype siyang tumatalon dahil sa tugtog.

"Nagawa natin! Maayos nating naisayaw mga 'tol!" Sigaw ni Philip.

"Wala pa mang announcement ng winners pero bat parang waging wagi na ang mga ngiti ng isa dyan?" Wika ni Jonas at agad niya 'kong tinignan.

"Masaya lang ako ano ka ba? Maissue ka eh noh?" Ngumisi lang ang loko.

"Talaga ba? Sakin ka pa magsisinungaleng, kabisado ko liko ng bituka mo Gift" Napasimangot naman ako, minsan ang hirap magdeny kapag bestfriend mo na ang nagpapaamin sayo dahil kilalang kilala na 'ko neto.

" Sige na nga, ang cute nung babae kanina sa harapan" pag-amin ko kaya ngumisi na ang lahat.

"Teka teka! Akala ko ba wala munang magjojowa? Walang ganyanan Gift!" Malakas na sigaw ni VJ. Minsan hindi ko din maintindihan 'tong lalaking to. Bigla bigla na lang sisigaw o sadyang malakas lang talaga boses niya?

"Wala naman akong sinabing liligawan ko, nakyutan lang talaga ako"

"Pero seryoso brad, suportado ka namin dba guys?" Nagsabay sabay naman ng tango yung iba.

"And the winner is VJBROS!!!
Abot langit ang saya naming lahat habang nasa stage pero hindi nakalusot sa paningin ko ang tuwa sa mga mata niya habang pumapalakpak siya.

Ilang buwan na din ang nakakalipas pagkatapos ang event sa PhilKor pero hanggang ngayon siya pa din ang nasa isip ko.

"Gift, malalim na naman ang iniisip mo. May problema ba?" Puno ng pagaalalang tanong ni Ace.

"Alam mo namang magdedebut na tayo, medyo kabado lang ako." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Brad, kung iniisip mo yung kontrata natin na bawal muna maggirlfriend ay wala ka talagang mahihita dyan. Matagal na nating pangarap 'to Gift kaya pigilan mo muna yang puso mo. Teka nga lang! Inlove ka ba ha?" Kitang kita mo sa mga mata niya ang gulat sa tanong niya.

Her Fangirl FantasyWhere stories live. Discover now