[16] Bampira

1.1K 183 5
                                    


Kitang kita ang magandang tanawin ng bayan ng Kazan mula sa isang maliit na balkonahe na parte ng malaking silid. Tahimik na pinagmamasdan ng isang matandang lalaki ang buong bayan na kaniyang nasasakupan habang nakatayo sa maliit na balkonahe. Papalubog na rin ang araw na nagpapaganda sa tanawin ng bayan at napakasarap sa balat ng malamig na simoy ng hangin.

"Alberto? nagaalala na ako sa ating anak, papalubog na ang araw ngunit hindi pa rin sila nakakabalik ng kaniyang mga kaibigan mula sa paglalakbay patungo sa Tribo ng Selen." Nagaalalang saad ng isang matandang babae sa kaniyang likuran.

"Ang sabi sa akin ng batang iyon ay babalik sila bago lumubog ang araw. Marahil doon na sila magpapalipas ng gabi ngunit masyado itong mapanganib. Wala akong tiwala sa Tribong iyon." Sagot naman ni Alberto na siyang pinono ng bayan na ama ni Rex. Masyadong magkalapit ang bayan at maliit na tribo ngunit hindi maganda ang pakikitungo ng dalawang lugar sa isat isa. Masiyadong malihim ang Tribo ng Selen na tila ba may bagay itong itinatago mula sa kanila.

Umihip ang malakas na hangin at napansin nila ang eroplanong papel na dala ng hangin. Kumunot ang noo ni Alberto dahil masiyadong mataas ang kanilang kinaroroonan para makapasok ang isang laruang papel. Pinulot naman ito ni Lidia na kaniyang asawa at binuklat. Napansin niya ang pagkagulat sa mukha nito kaya tiningnan niya rin ang papel at kaniyang nakita ang isang liham.

"Hindi ako maaaring magkamali, ito ay sulat kamay ni Rex." Saad ng kaniyang asawa. Binasa nila ang liham at mas lalo silang nagulat sa nilalaman nito.

"Nasa panganib ang anak natin." Nasabi niya na lamang at mabilis na lumabas ng balkonehe at bumaba sa bahay para hingiin ang tulong ng mga hunter sa misyon hall.

'Tama nga ang hinala ko, hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga tao sa tribo ng Selen.' Sa isip niya.

O==[]::::::::::::>


"Masyado nang gabi pero wala parin ang tulong na inaasahan natin." Nangangambang saad ni Rex.

"Maaari kayang hindi naka rating ang liham sa iyong ama?" Saad naman ni Mirasol. Sa buong buhay niya, nito lang siya natakot ng sobra. Nawawalan na siya ng pagasa at naaawang tinititigan ang kanilang mga kasamahan. 'Sana pala nakinig na lamang ako kay ama.' Sa isip niya.

"Huwag naman sana, iyon na lamang ang tanging pagasa natin." Sagot ni Rex.

"Nararamdaman kong paparating na sila." Nakapikit na turan ni Kian. Pinapakiramdaman niya ang buong lugar at napansin niya ang maraming enerhiyang naglalakbay papalapit sa tribo.

"Talaga? Paano mo nalaman?" Sagot ni Mirasol. Sa ilang sandali, nabuhayan siya ng pagasa. Nagtitiwala siya sa kakayahan ng binata.

"Pinapakiramdaman ko ang buong paligid at sigurado akong paparating na sila para tulunagan tayo." Saad ni Kian. Nabuhayan naman sila ng loob kabilang ang mga taong kasama nila. Umaasa silang makakalabas na sila mula sa madilim na kulungang ito at magtapos na ang kanilang paghihirap sa kamay ng mga bampira.

"Andito na sila." Muling saad ni Kian. Nararamdaman niyang napakalapit na ng mga hunter galing sa bayan ng Kazan kasama ang kanilang pinono na ama ni Rex mula sa kanilang kinaroroonan.

Agad namang pumunta sa maliit na butas ni Rex at tinignan ang nangyayari sa labas. Nakita niya sa malayo ang mga tanglaw na nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid. Sa ilang sandali, nangamba siya dahil hindi lingid sa kaniyang kaalaman na mas lumalakas ang mga bampira kapag gabi.

"Andiyan na nga sila, ANDITO KAMI." kaniyang sigaw. Nakigaya na rin sa kaniya ang ilan at sumigaw ng sumigaw upang maagaw ang pansin ng mga nasa labas. Sa kasamaang palad, masiyadong malayo ang kanilang kinaroroonan kaya hindi sila magawang marinig ng mga ito.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Where stories live. Discover now